Matapos ang ginawang special screening ng indie film na A Journey Home sa Dolphy Theater, hindi matatawaran ang ngiti ng direktor na si Paul Soriano at aktres na si Toni Gonzaga habang papalabas ng naturang venue. Ani ng magkasintahan, sadyang nakaka-overwhelm di umano ang magagandang reaksyon ng mga manunuod sa nasabing pelikula. At sa nasabi ngang maikling panayam, hindi na rin naiwasan ni Toni na magbigay ng opinyon kaugnay ng naging first-hand experience niya sa pagdi-direct ng real-life boyfriend niya. “Perfectionist siya. At saka syempre gusto niya talaga na maging maganda yung film kaya pinipiga niya mga artista niya” pagbabahagi ng dalaga.


Wednesday, October 28, 2009
Charles










