Kwelang-kwela sa trailer ang tandem ng Comedy Queen na si Ai-ai delas Alas at ang bagong artistang at Pacmom na si Dionisia Pacquiao sa latest movie ng Star Cinema na Ang Tanging Pamilya: A Marry Go Round sa direksyon ni Wenn Deramas. “Funny talaga si Aling Dionisia. Pati mga kilos niya nakakatawa,” bungad ni Ai-ai. Baguhan nga daw sa mundo ng showbiz si Mommy Dionisia kaya’t kelangan ng konting pasensya sa ilang mga eksena. “Tinutulungan ko siya. Gina-guide ko siya. Sabi ko sa kanya, ‘Mommy D, ganito ang gawin mo.’ Oo, tinuturuan ko siya sa set. At ginagawa naman niya.”


Wednesday, November 11, 2009
Charles
