Dalawang TV shows sa dalawang networks napapanood ngayon si Ryan Agoncillo—ang talent show na Talentadong Pinoy sa TV5 at ang sitcom nila ng misis niyang si Judy Ann Santos naGeorge & Cecil sa ABS-CBN.
Naitanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ryan kung bukod sa TV shows ay may movies ba siyang ginagawa o gagawin pa lang?
"Movies, may dapat naka-lineup. If I'm not mistaken, I have two projects with Juday dapat. But with her schedule, mukhang hindi magagawa," sagot ni Ryan nang bisitahin namin siya sa taping ng Talentadong Pinoy last October 20.


Thursday, October 22, 2009
Charles
