Pages

Sunday, December 6, 2009

Witnesses corroborate reported suicide attempt of Hayden Kho!



Intestinal flu nga ba o suicide attempt ang dahilan ng pagkaka-confine ni Dr. Hayden Kho Jr. sa Manila Doctors Hospital ngayon?

Magkaibang-magkaiba ang text message na ipinadala ni Atty. Lorna Kapunan sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at ang mga pahayag ng mag-amang Rudy at Andrew Olivar ng Lalaan 2nd, Silang, Cavite, tungkol sa dahilan ng confinement ni Hayden sa ospital.

Si Atty. Kapunan ang legal counsel ni Hayden.

Nakasaad sa text message na ipinadala ni Atty. Kapunan sa PEP noong Biyernes ng gabi, December 4, ang sumusunod na medical bulletin mula sa Manila Doctors Hospital:

"Dr. Hayden Kho, Jr. was admitted to this hospital very early this morning [December 4]. He was running a very high fever and was throwing up with severe abdominal pains

"Initial impression is that he is suffering from intestinal flu, although stress-induced gastric ulcer is also being considered.

"The Kho family is requesting for privacy. No visitors are allowed at this time.

"He was admitted under the care of his father, Dr. Hayden Kho."




WITNESSES' ACCOUNT. Si Andrew na anak ni Rudy Olivar ang unang nakakita kay Hayden na nakabulagta sa taniman ng mga pinya sa Silang noong Huwebes ng gabi, December 3.

Sa kuwento ng mag-ama sa Showbiz Central, nakarinig daw sila ng malalakas na ungol mula sa taniman. Sa pag-aakala na baka may babae na biktima ng rape, nagdala sila ng flashlight at pinuntahan ang lugar na pinagmumulan ng mga pagdaing.

Isang lalake raw na wala sa sarili, nakahiga sa mga halaman ng pinya, umiiyak, tumutulo ang luha, sipon at laway, ang nakita nina Rudy at Andrew.

Sugatan daw ang mukha ng lalake dahil ikinikiskis nito sa matatalas na dahon ng pinya ang kanyang mukha. Napansin din ng mag-ama ang dugo sa kaliwang bahagi ng balikat ng biktima at sa tingin nila, parang may itinusok ang lalake rito.

Nakilala nina Rudy at Andrew ang lalake dahil sinabi nito na siya si "Doc Hayden." Panay raw ang tunog ng cellphone ni Hayden at sinasagot nito ang bawat tawag na natatanggap.

"Huwag niyo na akong hanapin," at "Mahal na mahal kita, Vicks," ang ilan sa mga paulit-ulit na sinasabi ni Hayden sa mga kausap nito sa telepono na narinig ng mga sumaklolo sa kanya.

Nang lapitan nina Andrew at Rudy si Hayden, nagsalita raw ito na huwag na siyang tulungan dahil nagpaalam na siya sa Diyos. "Pakisabi kay Vicks na mahal na mahal ko siya," at "Walang nagmamahal sa akin," ang ilan pa sa mga binitiwang salita ng umiiyak na si Hayden.

Posibleng ang "Vicks" na tinutukoy ni Hayden ay ang kanyang ex-girlfriend na si Dra. Vicki Belo.

Nang lapitan nina Rudy at Andrew si Hayden para tulungan, nagtangka raw tumalilis ang problemadong doktor, pero wala siyang nagawa. Si Rudy ang nag-report sa police station tungkol sa kanilang mga nasaksihan.

Sa interview sa kanila ng Showbiz Central staff, sinabi ng mga saksi na siguradong may masamang nangyari kung hindi nila narinig ang mga ungol ni Hayden. Bukod sa napakadilim ng taniman ng pinya, hiwa-hiwalay na raw ang mga daliri ni Hayden dahil sa sobrang paninigas nang matagpuan nila.

Sinabi ni Rudy na naibalik nila kay Hayden ang lahat ng mga gamit nito. Itinanggi rin ng saksi ang balita na nagkaroon ng vehicular accident si Hayden sa Silang, Cavite. Kusa raw bumaba ng sasakyan si Hayden at naglakad papunta sa madilim na pineapple plantation.

Tatlong ospital ang pinagdalhan kay Hayden. Isinugod muna siya sa Estrella Hospital sa Silang, Cavite, inilipat sa De La Salle University Medical Center sa DasmariƱas, Cavite, at saka dinala sa Manila Doctor's Hospital sa UN Avenue, Manila.

Resident doctor sa Manila Doctor's Hospital ang ama ni Hayden na si Dr. Hayden Kho Sr.

Source: Jojo Gabinete, PEP.ph



No comments:

Post a Comment