Saturday, October 3, 2009

Lorna Tolentino says she wants to work with John Lloyd Cruz again



Nakausap ng ABS-CBN.com ang aktres na si Lorna Tolentino sa 43rd birthday celebration ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. kamakailan. Pumayat si LT at lalong bumabata ang hitsura. “Nagda-diet ako. Malaki kasi ako’ng tingnan sa TV,” umpisa ng isa sa main cast ng primetime teleserye sa ABS-CBN na Dahil May Isang Ikaw.

May mga bali-balita na hindi raw sinipot ng co-star niya sa Dahil May Isang Ikaw na si Kristine Hermosa ang taping nila. Totoo ba? “Huh? Wala, wala pa ako’ng taping na na-pack-up dahil wala siya. In fairness kay Kristine wala ako’ng problema sa kanya. She’s professional naman lalo na kapag nasa set na kami. Nagugulat nga ako dahil sa husay niya, e.”

Puring-puri din ni Lorna ang aktor na si John Lloyd Cruz sa In My Life. Matatandaan na nakasama ni Lorna noon si John Lloyd sa teleserye ng aktor with his loveteam na si Bea Alonzo sa Kay Tagal Kang Hinintay. “Habang nanonood nga ako nu’ng movie, tinext ko si Ma’m Malou (Santos, Star Cinema’s Managing Director). Sabi ko, ‘Pakakasalan ko si John Lloyd anytime.’ E, ‘di ba naghahanap si John Lloyd ng mapapangasawa sa movie? Kaya tinext ko si Ma’m Malou. Nu’ng pinapanood ko ‘yung movie, wala akong trace na nakita na John Lloyd, eh. Ang nakita ko talaga ‘yung character na pinu-portray niya,” kwento ni Lorna.

What if in real life ligawan siya ni John Lloyd o ng mga kasing-edad ng aktor? “Kabilin-bilinan ni Papa (Rudy Fernandez) huwag kaedad ng mga anak ko. E, one year lang actually ang diperensya niya sa mga anak ko.” Siyempre gustong-gusto ni LT na gumawa ng movie with John Lloyd kahit pa May-December affair ang istorya. Muli ay tinanong namin si LT kung halimbawang may movie sila ni John Lloyd, okay ba siya na maka-kissing scene ang aktor? “Sana makalimutan na nila ‘yung role ko noon sa ginawa naming teleserye na Kay Tagal Kang Hinintay. Kasi kung nandu’n pa’yung memory, mag-ina kami doon, Ay, incest ito!” natatawang pagtapos ni Lorna.

Source:ABS-CBN.com

Mariel Rodriguez on boyfriend Zanjoe Marudo: ‘Wala nang insecurity ‘yung relationship namin’



Sweethearts Mariel Rodriguez and Zanjoe Marudo are each enjoying successful careers. While Zanjoe stars in the teleserye Lovers in Paris and the now six-times-a-week gag show Banana Split, Mariel is a host on Wowowee, Entertainment Live, and the new Pinoy Big Brother Double Up. At the press conference of PBB Double Up which is set to begin this October 4, Mariel said considers herself more lucky than Zanjoe. “Naaawa talaga ako sa kanya kasi iba pa rin ‘yung hirap ng taping. Na-try ko na ‘yung wala kang tulog. Nung nakaraan nag-taping siya ng Banana Split kasi nga daily na sila. Tapos segue siya sa Lovers in Paris nang madaling araw. Kawawa rin ‘yung driver niya kasi nasalanta nga ng baha. Text sa akin ni Zanjoe lutang daw ang isip niya kasi pagod na raw siya.”

Despite their busy schedules, Mariel said that she and Zanjoe still find time to go out. “Nung Saturday since na pack up ‘yung taping nila dumaan siya sa house ko. Last Thursday naman dumaan ako sa set nila sa Banana Split. We make time talaga na magkita.” Mariel also shared that they went on a movie date.

With both of them in showbiz, Mariel and Zanjoe understand the demands of their work. The TV host-actress added that intrigues don’t affect their relationship, like the rumors about that they broke up because of Maricar Reyes, Zanjoe’s co-star in Lovers in Paris. “I feel bad for Maricar na ina-accuse siyang reason ng breakup namin ni Zanjoe. It’s not true kasi first of all hindi naman kami nag-break. I think kung maghihiwalay kami it’s not because of a third party. Zanjoe is not that kind of person, and also me, ha ha ha!”

Mariel shared that she is very happy with the status of her relationship with the actor and that she doesn’t feel jealous whenever Zanjoe is linked to other women. "I think Zanjoe and I are in a place na we understand each other. Alam namin ‘yung priorities ng isa't isa. Siguro wala nang insecurity yung relationship namin, kasi matagal bago natuloy na naging kami. Para magselos pa kami, parang ang petty, ‘di ba? I really trust him. Kung magloloko siya, e ‘di magloloko siya. Ganun talaga, wala akong magagawa. Eh as of now, wala namang ganun kaya masaya ako."

In past interviews, Mariel and Zanjoe have denied that they are living together. For Zanjoe, he said that he keeps an open mind on the idea of a live-in arrangement. Mariel, on the other hand, would rather keep her opinions to herself. “Mahirap mag-comment kasi may iba na ginagawa ‘yun. Baka ma-offend lang sila sa kung anong sasabihin ko. But for me I’ll just cross the bridge when we’re there na. Ngayon hindi ko pa masabi.”

Source:ABS-CBN.com

Cristine Reyes cherishes family and friends more after Ondoy tragedy




Ramdam pa rin ni Cristine Reyes ang trauma na inabot nila ng pamilya niya dahil sa bagong Ondoy. Wala pa rin siyang tigil sa pagpapasalamat kay Richard sa pagsagip sa kanya ng aktor mula sa bubong ng bahay nila sa Provident Village sa Marikina City. “Sobrang, hindi ako makapaniwala na nandu’n siya sa tapat ng bahay namin. Kasi kapag nagkikita kami tahimik lang. Feeling ko tahimik lang. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko rin alam na darating siya. Pero sa mind niya, hindi niya ine-expect na nandu’n ako sa kalagayan na ‘yon,” umpisa ni Cristine.

May nagtataka naman kukng bakit si Richard at hindi ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo ang tinext niya para iligtas siya nu’ng kasagsagan ngn bagyong Ondoy? “Hindi ko po alam. Hindi ko na naisip bakit si Richard ang ang-rescue sa akin at hindi siya. Kasi nu’ng time na ‘yun kung sino lang ang ma-i-text ko sige.” Hindi man lang ba siya tinext ni Dennis? “Ah, hindi na siguro magandang pag-usapan pa ‘yun. Basta ang sa akin importante’yung ngayon, eh. Nabuhay kami. Huwag na lang nating istorbohin pa ‘yung ibang tao. Kasi for sure siya rin may inaalala rin ang pamilya niya.”

Speaking of pamilya, dahil sa nangyari ay mas na-realize niya ang value ng kanyang mga kapatid especially ang kanyang ate na si Ara Mina. “Matagal na kaming bati ni Ate. Actually, lahat kaming magkakapatid. Lahat kasi kami palaging nag-uusap, ganyan-ganyan, Pero ngayon kapag kailangan ng isang kapatid ng tulong, lahat kami to the rescue.”

Ano naman ang sa tingin niya ang maibibigay niyang kapalit sa paglililgats sa kanya ni Richard? “Ah, actually, ‘yun nga ang iniisip ko. After nu’ng ginawa ni Richard, hindi ko alam kung papano ko papalitan, kung paano ko susuklian ‘yun. Kaya nga lagi ko’ng sinasabi kay Chard kulang ‘yung salitang thank you para sa ‘yo. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ‘yun. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Buhay niya ‘yun, e. Buhay niya. Kaya sobrang bilib ako kay Chard.”

Pinuri-puri din ni Cristine ang ina ni Richard na si Anabelle Rama. “Ay, salamat. Actually, pagdating dito lumapit agad ako kay Tita Anabelle. Sobra po akong nagpapasalamat sa kanya kasi alam kong nag-aalala siya ng sorba kay Richard. Dahil kung alam lang po ninyo talaga na sobrang grabe ang sinuong niya. Nag-thank you ako sa kanya na maraming salamat sa tulong. ‘Tsaka sabi ko sa kanya, hindi talaga biro ’yung nangyari sa amin. Thankful ako kasi nand’yan ‘yung pamilya niya. Sina Tito Eddie, pati si Ruffa Gutierrez nandu’n din. Hindi ko ine-expect na of all people sila ‘yung nandun at sasalubong sa akin. Sobrang salamat. Sabi ko sa kanya, ‘Tita, kulang ang thank you, kulang ‘yun. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ‘yun.”

Samantala, nilinaw ni Cristine ang balitang babalik daw siya sa Banana Split. “Hindi na,” ngiti ni Cristine. May balita kasi na mag-ge-guest siya sa show lalo na ngayon na araw-araw ng napapanood ang programa. “Ah, hirap sila sa schedule ko kasi everyday po akong may work. Shooting-taping, taping-shooting ako hanggang Sunday. Iniimbitahan po nila ako . Pero hindi talaga pwede. Kahit ako naman okay lang sa akin. Kaya lang hindi talaga pwede.” Hindi kaya dahil ayaw niyang makatrabaho ulit ang mga kasama niya sa show? “Hindi, actually, friends na kami nina Angelica (Panganiban), nina Pokwang, e. After nu’ng nangyari sa akin sa baha, sinabi ko sa sarili ko na parang ayoko nang magkaroon ng hatred sa ibang tao. Nakapag-usap na rin kami.” So, wala na siyang mga kagalit? “Wala na. ‘Tsaka ayoko nang magkaroon ng mga ganyang bagay. Minsan lang ang buhay, eh.”

Source:Cristine Reyes cherishes family and friends more after Ondoy tragedy, ABS-CBN.com

Esquire's Sexiest Woman Alive for 2009 is Kate Backinsale!



Kate Backinsale is the Sexiest Woman Alive for 2009 according to Esquire Magazine!

She is on the cover of Esquire for the month of November, see the photo outtakes after the jump!





 
 

 

 

 

 

 



 


 



Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review