Ramdam pa rin ni Cristine Reyes ang trauma na inabot nila ng pamilya niya dahil sa bagong Ondoy. Wala pa rin siyang tigil sa pagpapasalamat kay Richard sa pagsagip sa kanya ng aktor mula sa bubong ng bahay nila sa Provident Village sa Marikina City. “Sobrang, hindi ako makapaniwala na nandu’n siya sa tapat ng bahay namin. Kasi kapag nagkikita kami tahimik lang. Feeling ko tahimik lang. Hindi siya nagsasalita. Hindi ko rin alam na darating siya. Pero sa mind niya, hindi niya ine-expect na nandu’n ako sa kalagayan na ‘yon,” umpisa ni Cristine.
May nagtataka naman kukng bakit si Richard at hindi ang ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo ang tinext niya para iligtas siya nu’ng kasagsagan ngn bagyong Ondoy? “Hindi ko po alam. Hindi ko na naisip bakit si Richard ang ang-rescue sa akin at hindi siya. Kasi nu’ng time na ‘yun kung sino lang ang ma-i-text ko sige.” Hindi man lang ba siya tinext ni Dennis? “Ah, hindi na siguro magandang pag-usapan pa ‘yun. Basta ang sa akin importante’yung ngayon, eh. Nabuhay kami. Huwag na lang nating istorbohin pa ‘yung ibang tao. Kasi for sure siya rin may inaalala rin ang pamilya niya.”
Speaking of pamilya, dahil sa nangyari ay mas na-realize niya ang value ng kanyang mga kapatid especially ang kanyang ate na si Ara Mina. “Matagal na kaming bati ni Ate. Actually, lahat kaming magkakapatid. Lahat kasi kami palaging nag-uusap, ganyan-ganyan, Pero ngayon kapag kailangan ng isang kapatid ng tulong, lahat kami to the rescue.”
Ano naman ang sa tingin niya ang maibibigay niyang kapalit sa paglililgats sa kanya ni Richard? “Ah, actually, ‘yun nga ang iniisip ko. After nu’ng ginawa ni Richard, hindi ko alam kung papano ko papalitan, kung paano ko susuklian ‘yun. Kaya nga lagi ko’ng sinasabi kay Chard kulang ‘yung salitang thank you para sa ‘yo. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ‘yun. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Buhay niya ‘yun, e. Buhay niya. Kaya sobrang bilib ako kay Chard.”
Pinuri-puri din ni Cristine ang ina ni Richard na si Anabelle Rama. “Ay, salamat. Actually, pagdating dito lumapit agad ako kay Tita Anabelle. Sobra po akong nagpapasalamat sa kanya kasi alam kong nag-aalala siya ng sorba kay Richard. Dahil kung alam lang po ninyo talaga na sobrang grabe ang sinuong niya. Nag-thank you ako sa kanya na maraming salamat sa tulong. ‘Tsaka sabi ko sa kanya, hindi talaga biro ’yung nangyari sa amin. Thankful ako kasi nand’yan ‘yung pamilya niya. Sina Tito Eddie, pati si Ruffa Gutierrez nandu’n din. Hindi ko ine-expect na of all people sila ‘yung nandun at sasalubong sa akin. Sobrang salamat. Sabi ko sa kanya, ‘Tita, kulang ang thank you, kulang ‘yun. Hindi ko alam kung paano ko ibabalik ‘yun.”
Samantala, nilinaw ni Cristine ang balitang babalik daw siya sa Banana Split. “Hindi na,” ngiti ni Cristine. May balita kasi na mag-ge-guest siya sa show lalo na ngayon na araw-araw ng napapanood ang programa. “Ah, hirap sila sa schedule ko kasi everyday po akong may work. Shooting-taping, taping-shooting ako hanggang Sunday. Iniimbitahan po nila ako . Pero hindi talaga pwede. Kahit ako naman okay lang sa akin. Kaya lang hindi talaga pwede.” Hindi kaya dahil ayaw niyang makatrabaho ulit ang mga kasama niya sa show? “Hindi, actually, friends na kami nina Angelica (Panganiban), nina Pokwang, e. After nu’ng nangyari sa akin sa baha, sinabi ko sa sarili ko na parang ayoko nang magkaroon ng hatred sa ibang tao. Nakapag-usap na rin kami.” So, wala na siyang mga kagalit? “Wala na. ‘Tsaka ayoko nang magkaroon ng mga ganyang bagay. Minsan lang ang buhay, eh.”
Source:Cristine Reyes cherishes family and friends more after Ondoy tragedy, ABS-CBN.com
0 comments:
Post a Comment