Pages

Saturday, November 28, 2009

KC Concepcion admits she is happy to be finally making her own mark in showbiz!



Halu-halo ang emosyon ni KC Concepcion sa nalalapit na pagtatatapos ng kauna-unahan niyang drama series sa telebisyon, ang Lovers in Paris. “Na-enjoy ko talaga ang pagawa ng teleserye kasi isa sa mga bagay na pinapangarap ko kaya gusto ko ring mag-teleserye was because nag-umpisa ako sa mga commercials and then nagawa ko na rin ‘yung theater at ‘yung pelikula. So, para maging ganap na aktres sabi ko, gusto ko’ng i-try lahat ng, iba’t ibang medium ng pag-arte. Eto nakagawa na ako ng teleserye kaya feeling ko naiintindihan ko na ngayon ang iba’t ibang klaseng medium. So, ah, aside from that, siyempre gusto ko naman na masasabi ko in the end na, ‘Ah, ‘yan, napagdaanan ko ‘yan. Ang pagpupuyat mula umaga hanggang tanghali kinabukasan na hindi ka nakakapag-pahinga, ‘yan napagdaanan ko ‘yan, ‘Yung hirap para lang masabi ko na alam ko ‘yung pakiramdam, ganu’n,” umpisa ni KC



Dahil sa Lovers in Paris masasabi ba niya na nagkaroon na siya ng sarili niyang identity bukod sa pagiging anak ni Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion? “Well, honestly, siyempre halimbawa ako, well, siyempre buhay ko, all my life anak ni Sharon. So, ang feeling ko ‘yun na ‘yon, ‘Ano ba? Identity ko na ba ‘yun?’ Of course, kilala naman ng lahat siya bilang mama ko, I’m so proud of her. Pero alam mo ‘yung like, kapag napapanood ko minsan sina Goldie Hawn at si Kate Hudson, nakikita ko ‘yung similarities. Grabe, nakaka-relate ako. Ganyan-ganyan ’yung nangayari sa akin na, ‘Ay, parang si Goldie Hawn.’ Parang nasa isip ko dati gan’un, pinu-problema ko pa. Ay, ang hirap bigyan ang audience ng bago dahil nakita na nila ito kay Mama tapos kamukha ko pa si Papa.” One big sigh of relief para kay KC na makilala na sa kanyang sariling sikap. “Para siyang isang malaking tinik na nabunot kasi parang, ah, nagkataon lang nagkasabay kami ni Papa sa primetime pero si Mama never nag-teleserye saka teatro. So, ang feeling ko naman mayroon din naman ako, sa henerasyon ko naman po, na sana maiba. At sana rin makita ng din mga tao na gusto ko ang trabaho ko and maybe that’s all that matters in them na you know basta tuluy-tuloy lang ‘yung trabaho.”

Ginawa ba nila ‘yun deliberately na i-pattern na ganito ang career niya para makilala siya bilang si KC Concepcion at ‘di lang dahil anak ni Megastar? “Siguro my managers. Of course, that’s their job to think of what projects ang dapat ko’ng gawin. Ako, trabaho lang ako ng trabaho kung saan nila ako gustong ilagay. I’m just thankful na I have managers that I trust, so parang siyempre ‘yung fans mayroon ding mga gusto na kahit papano meron silang mga inputs sa mga mangyayari sa akin, But, there are times, pinag-aaralan, like sa pag-arte conscious kami like si Direk FM (Reyes) sasabihin niya, ‘O, kaboses mo si Sharon d’yan.’ So, okay, take two. Tapos ako hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon dahil ‘yun ang kinalakihan ko. In the same way kayo ‘yung mga kapatid ninyo siguro kaboses din ninyo. I guess, mas napapag-aralan ko naman ‘yung mga ganu’n.

Isa pa’ng binago ng Lovers in Paris kay KC ay ang impression sa kanya ng publiko na sobrang sosyal. Ngayon, mas malapit na si KC sa mga manonood na masa. Unlike before na hirap maka-relate sa kanya ang masa. “Salamat, actually, may mga nagsasabi ng ganu’n. ‘Bakit ganu’n si KC? Bakit tumodo siya sa showbiz? Dapat hindi na lang siya nag-showbiz. Kasi ano, parang dati commercial model lang siya, sosyal.’ Sabi ko, ‘Well, iba naman ang hangad ko. Ang hangad ko, kung ‘yung iba doon (pagiging commercial star) papunta, ako doon nagsimula. So, parang baligtad. Na kung sila eto ang habol nilang market ako naman hind pa ako nakikila ng market kung sana doon naman nanggaling ‘yung ibang artista. So, baligtad kami. Pero masaya rin siya kasi nga sa tuwing maglalakad ako hindi na naiilang ‘yung tao sa akin. Sasabihin nila ngayon, ‘Uy, okay ka na, ha.’ Tapos ‘yung mga tao naka-smile na agad ngayon. Tapos nakikipag-tsikahan na sa akin. Kahit sa grocery o kahit sa Pateros nu’ng nagbibigay kami ng relief goods may lumapit, ‘Vivian, Vivian, wala ka ba’ng extra sandwich kasi ‘yung anak ko. . .’ ganyan. Talagang Vivian na talaga ang tawag nila sa akin.” Ano ang na-feel niya kapag tinatawag siyang Vivian? “Masaya, kaya mami-miss ko si Vivian pagkatapos nito. Pero okay lang. Sana may kasunod.

Ano ang nakakapag-motivate sa kanya para mai-akting ng tama ang kanyang role? “Hindi ko na po inisiip. Basta kung ano, kasi kapag inanalyze ko pa ma-conscious na ako. Ah, siguro po at the end of the day tao lang din po na may nangyayari din.” Dagdag pa ni KC siguro nakatulong din ang pagiging ‘solo’ niya ng ilang taon sa Paris. “Ilang taon din ako’ng tumira doon. Akala nila Paris pero minority ako, wala ako’ng trabaho. Pilipina ako na hindi naman priority doon.” Naging loka-loka na ba si KC sa pag-ibig tulad ni Vivian? “Mayroong time na pinapairal ko talaga ‘yung puso. Wala nang utak-utak. So, ngayon sabay na. Hahaha.” Ganyan na ba ang pinapairal niya sa kung anumang relasyon sila meron ng leading man niya sa Lovers in Paris na si Piolo Pascual? “Of course, Siya rin naman ang nagturo sa akin noon, e.” Ano ang itinuro sa kanya ni Piolo? “Hmmm, maraming nagsasalita pero ang pinaka-importante ‘yung pinag-usapan ninyong dalawa,” tapos ni KC.

Source: Julie Bonifacio, ABS-CBN.com

No comments:

Post a Comment