Saturday, January 2, 2010

Angel Locsin, Sarah Geronimo, Maja Salvador, and Vhong Navarro look back on their 2009 career highlights!


Angel Locsin (International Emmy Best Actress nominee)
Ang masasabi kong biggest achievement talaga ay yung sa maka-attend ng 2009 International Emmy Awards. Ilang beses mo bang masasabi na nakapag-ball gown ka saNew York no? Hahaha! Kakaibang experience siya dahil sa teleseryeng Lobo (2008). Bawat artista naman naghahangad na sana magkaroon ako ng challenging roles. Pero next year, hopefully makagawa ako ng something offbeat naman. Mahilig kasi ako sa mga suspense-thriller na series like Dexter, yung tungkol sa mga serial killer, ganon... So sana makagawa ako nung kakaiba naman at hindi normal love story. Although alam ko naman na hindi mo matatanggal yung love angle kasi basic foundation yun ng mga kwento ‘di ba? Pero sana medyo mag-out of the box naman ako minsan.





Sarah Geronimo (Box Office Queen/Pop Star Princess)
Siguro yung naging box office hit yung You Changed My Life pati na rin yung A Very Special Love. Siyempre napaka-fulfilling ng experience na makagawa ka ng dalawang pelikula under Star Cinema and Viva Films. Yung bigyan ka nila ng ganon kalaking break kasama ng mga malalaking artista tulad ni John Lloyd Cruz, parang sugal na din yun ‘di ba? Very thankful ako at blessed dahil hindi naman kami pinabayaan ng supporters namin dahil talagang tinangkilik nila yung movie namin ni Lloydy.


Maja Salvador (Daytime Teleserye Princess)
Siyempre masasabi kong biggest accomplishment ko yung Nagsimula Sa Puso kasi tulad ng lagi kong sinasabi, ito yung klase ng project na matagal ko ng hinintay. Bukod sa na-challenge talaga ako sa role ko at sa mga kasama kong magagaling na artista tulad nila Jason (Abalos) atCoco (Martin), napaka-overwhelming nung tiwala na ibinigay ng ABS-CBN sa akin ngayon. Kaya talagang gagawin ko lahat ng makakaya ko para suklian yung magagandang opportunities na ibinibigay nila sa akin. At the same time, super excited na rin ako sa first team-up namin ni Sam Milby kaya sana suportahan din ng mga tao ang gagawin naming series (Precious Hearts Romances Presents Impostor) tulad ng pagsuporta nila sa Nagsimula Sa Puso.


Vhong Navarro (Prince of Comedy)
Madami din kasi akong naiisip na accomplishments, pero siyempre Showtime yung very rewarding kasi kakaiba ang hosting sa usual na job ko. Yung Kokey @ Ako kasi comedy, yun talaga ang specialty ko ‘di ba? Although natutuwa ako kasi first time ko maka-work ang Box Office Director na si Direk Wenn (Deramas) at si Angel (Locsin) na alam nating magaling na dramatic actress. Talaga naming nakakataba ng puso na maging leading man niya. Going back sa Showtime, sobrang thankful kami sa mataas na ratings kasi experimental siya e. Kumbaga sanay ang tao na talk show or game show ang pinapalabas sa ganong timeslot. At least nag-click sa mga kapamilya natin at nae-enjoy nila kahit wala kaming pinamimigay na pera. And as long as mae-entertain namin ang mga manonood happy na kami dun, bonus na lang yung iba.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review