Hindi business dinner ang pagkikita nina Aljur Abrenica at Boy Abunda.
Starting next Monday, start na ng last week ng successful TeleBabad nina Aljur, Kris Bernal and Carl Guevara na The Last Prince after Pilyang Kerubin. More than six months din ang itinagal ng show ha, since it started in the beginning of 2010. With so many extensions, umabot hanggang week 23 ang kuwento.
Nag-cast party na rin ang show last Thursday after its thanksgiving presscon pero may isa pang araw na taping next week. Then, segue na si Aljur sa soap nila ni Rhian Ramos na may tentative title na Romana Santa. This means Aljur is really staying as a Kapuso since he was discovered sa GMA via Starstruck batch 4.
Nabigyan lang ng malisya ang dinner nila ni kuya Boy late last week sa David’s Tea House. Turned out friend ni Aljur ang isang empleyado ni kuya Boy sa Backroom and when he found out that Aljur was there, nagpunta siya para magpasalamat ng personal sa ginawang tulong ni Aljur sa Samar noong summer. Ang dadaldal kasi ng waiter ng David’s eh. Ha-hahaha!
Narito ang explanation ni Aljur sa nasabing issue: "May tropa po ako sa Pampanga na matagal na, si kuya Jim, dahil nag-campaign yung kapatid ni tito Boy, di ba, sa Samar. E, hinahanap po ako ni Jonathan yung taga-Backroom, si Jonathan kinontak yung kaibigan ko nga, si Jim, tapos pumunta si Jim dito sa Manila, niyaya niya ako, ‘O, pare, dinner naman tayo!’ Kasama nu’n si Jonathan. So, kumain kami du’n. Tapos tumawag si tito Boy, sabi niya susunod daw siya.
"So, nagkita-kita kami du’n. Hindi naman yun yung first na nagkita kami, du’n pa lang sa Samar, nag-meet na kami. Pinag-campaign ko po yung kapatid ni tito Boy. Kasama pa nu’n sina Yasmien Kurdi, marami kami. Tapos nag-dinner kaming lahat. May meeting pa that time si tito Boy doon, tapos after ng meeting niya, nag-isang table na lang kami."
Source: Bandera
0 comments:
Post a Comment