Hindi na kami magtataka kung one of these days ay sina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto naman ang susunod na magkakainitan dahil sa isang lalaki. Aba, ngayon pa lang ay parang nakikinita na naming ang pagmamaktol ni Angel dahil sa mga pahayag ng kanyang boyfriend na si Derek Ramsay at Greta tungkol sa mga maiinit nilang eksena sa bagong soap ng ABS na Magkaribal.
Balita kasing enjoy na enjoy sina Derek at Greta sa mga kissing scene at love scene nila sa Magkaribal. Say pa nga ni Derek, “It’s much easier to do that kind of scenes when there’s a level of attraction with your co-actor. Yes, there is a level of attraction with Gretchen and I believe that made the scene look better.” Ang taray, di ba?
Ayon pa kay Derek, kinailangan pa raw nilang magpainit ni Gretchen para lang magawa nang tama ang kanilang love scene. “We were both professional naman about it. Pero sobra sobra akong kinabahan. Uminom pa kami ng ilang shot bago kunan ‘yung eksena.”
Read between the lines ka na lang Angelica! Ha-hahaha! Intrigahin ba talaga!
Source: Bandera
0 comments:
Post a Comment