Bago ang balitang muling pagtatangkang magpakamatay ni Hayden Kho, nakapanayam muna siya ni Korina Sanchez sa Rated K ng ABS-CBN na ipinalabas kahapon, December 6. Naging sentro ng usapan nila ang pag-revoke ng Philippine Regulation Commission (PRC) ng kanyang lisensiya bilang doktor.
Sa segment na "Kapatawaran" para sa pre-Christmas episode ng naturang TV show, ayon kay Korina, ang dasal ni Hayden ngayong Kapaskuhan ay mapatawad na siya ng mga taong kanyang nasaktan.
Nang ma-revoke ang kanyang lisensya ay nawala sa limelight si Hayden. Ito agad ang inalam ni Korina sa kanya.
"Sinadya ko talaga na umiwas muna sa TV. Kasi para sa akin, hindi talaga ako para sa TV. Parang I decided to stay away from the lenses," umpisang pahayag ni Hayden.
Matapos makapagtapos ng medisina sa University of Santo Tomas, nagkaroon ng kaugnayan sa sikat na cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo si Hayden. Eventually, nauwi 'yon sa isang romantic relationship. Kahit practicing doctor na si Hayden, naging modelo rin siya, hanggang pinasok na rin niya ang showbiz
"Nagustuhan ko siya [showbiz], pero parang hindi naging maganda para sa akin. It's an experience I don't regret, e. At one point in our life, we have to try something we haven't tried before," aniya.
Pero dahil sa kanyang pagkakamali at matinding kontrobersiyang dulot ng pagkalat ng kanyang sex videos, natigil ang showbiz career ni Hayden. At ayon sa doktor, halos humantong sa pagpapatiwakal ang pagsisisi niya sa nagawang kamalian.
"It's always going to the suicide aspect," sabi niya. "I did that before. I don't know what happened. Pag-open ko ng mata ko, floors and lamp lang nakita ko. I felt so low. I felt so hopeless."
At para makalimutan ni Hayden ang masaklap na nangyari sa kanyang buhay, humanap daw siya ng mga bagay na mapagkakaabalahan.
"I enrolled in Mandarin class. I enrolled in culinary class. I enrolled in MBA [Masters in Business Administration]," pahayag ni Hayden.
Nagbukas din ng isang bar ang doktor na tinawag niyang "The Lounge."
Hangad din daw ni Hayden na sa mga bago niyang pinagkakaabalahan ay makapagsimula na rin siya ng bagong buhay. "Alam naman natin na ang simula ng bagong buhay, tayo naman ang gumagawa, e," aniya pa.
Pero muling dumating ang isa pang dagok sa buhay at propesyon ni Hayden nang tanggalan siya ng lisensya bilang doktor ng Professional Regulation Commission (PRC).
"I am really hoping that they will just suspend me because pinaghirapan... alam naman nila 'yan, doktor din kasi sila, e. And what happened to me and in my personal life, it has nothing to do with my practice of medicine," ani Hayden.
Sa tanong ni Korina kung kailangang pakiusapan ni Hayden ang PRC para mabawi ang kanyang lisensya, sagot ng doktor, "Sa tingin ko, laban 'to. Pinaghirapan mo 'yan, kaya ipaglalaban mo 'yan."
Tiyak na malungkot ang Pasko ni Hayden ngayong taon, pero umaasa pa rin siyang mabibigyan ng kapatawaran ang kanyang mga naging kasalanan. Pero ayon pa rin sa kontrobersiyal na doktor, hindi niya pa kayang lumapit sa mga taong nasaktan niya.
"Given the complication, given the situation... but I am really sorry," huling pahayag ni Hayden.
Ayon sa PRC, maaari naman daw mag-apply muli si Hayden para ma-restore ang kanyang lisensiya, pero depende pa rin 'yon kung magpapakita ang doktor ng exemplary conduct ayon sa naging desisyon ng board sa revocation ng kanyang lisensya.
Ilang araw pagkatapos ng interview sa kanya ni Korina, pumutok ang balitang muli na namang nagtangkang magpakamatay si Hayden, bagamat wala pang opisyal na pahayag dito ang kanyang kampo.Bago ang balitang muling pagtatangkang magpakamatay ni Hayden Kho, nakapanayam muna siya ni Korina Sanchez sa Rated K ng ABS-CBN na ipinalabas kahapon, December 6. Naging sentro ng usapan nila ang pag-revoke ng Philippine Regulation Commission (PRC) ng kanyang lisensiya bilang doktor.
Sa segment na "Kapatawaran" para sa pre-Christmas episode ng naturang TV show, ayon kay Korina, ang dasal ni Hayden ngayong Kapaskuhan ay mapatawad na siya ng mga taong kanyang nasaktan.
Nang ma-revoke ang kanyang lisensya ay nawala sa limelight si Hayden. Ito agad ang inalam ni Korina sa kanya.
"Sinadya ko talaga na umiwas muna sa TV. Kasi para sa akin, hindi talaga ako para sa TV. Parang I decided to stay away from the lenses," umpisang pahayag ni Hayden.
Matapos makapagtapos ng medisina sa University of Santo Tomas, nagkaroon ng kaugnayan sa sikat na cosmetic surgeon na si Dr. Vicki Belo si Hayden. Eventually, nauwi 'yon sa isang romantic relationship. Kahit practicing doctor na si Hayden, naging modelo rin siya, hanggang pinasok na rin niya ang showbiz
"Nagustuhan ko siya [showbiz], pero parang hindi naging maganda para sa akin. It's an experience I don't regret, e. At one point in our life, we have to try something we haven't tried before," aniya.
Pero dahil sa kanyang pagkakamali at matinding kontrobersiyang dulot ng pagkalat ng kanyang sex videos, natigil ang showbiz career ni Hayden. At ayon sa doktor, halos humantong sa pagpapatiwakal ang pagsisisi niya sa nagawang kamalian.
"It's always going to the suicide aspect," sabi niya. "I did that before. I don't know what happened. Pag-open ko ng mata ko, floors and lamp lang nakita ko. I felt so low. I felt so hopeless."
At para makalimutan ni Hayden ang masaklap na nangyari sa kanyang buhay, humanap daw siya ng mga bagay na mapagkakaabalahan.
"I enrolled in Mandarin class. I enrolled in culinary class. I enrolled in MBA [Masters in Business Administration]," pahayag ni Hayden.
Nagbukas din ng isang bar ang doktor na tinawag niyang "The Lounge."
Hangad din daw ni Hayden na sa mga bago niyang pinagkakaabalahan ay makapagsimula na rin siya ng bagong buhay. "Alam naman natin na ang simula ng bagong buhay, tayo naman ang gumagawa, e," aniya pa.
Pero muling dumating ang isa pang dagok sa buhay at propesyon ni Hayden nang tanggalan siya ng lisensya bilang doktor ng Professional Regulation Commission (PRC).
"I am really hoping that they will just suspend me because pinaghirapan... alam naman nila 'yan, doktor din kasi sila, e. And what happened to me and in my personal life, it has nothing to do with my practice of medicine," ani Hayden.
Sa tanong ni Korina kung kailangang pakiusapan ni Hayden ang PRC para mabawi ang kanyang lisensya, sagot ng doktor, "Sa tingin ko, laban 'to. Pinaghirapan mo 'yan, kaya ipaglalaban mo 'yan."
Tiyak na malungkot ang Pasko ni Hayden ngayong taon, pero umaasa pa rin siyang mabibigyan ng kapatawaran ang kanyang mga naging kasalanan. Pero ayon pa rin sa kontrobersiyal na doktor, hindi niya pa kayang lumapit sa mga taong nasaktan niya.
"Given the complication, given the situation... but I am really sorry," huling pahayag ni Hayden.
Ayon sa PRC, maaari naman daw mag-apply muli si Hayden para ma-restore ang kanyang lisensiya, pero depende pa rin 'yon kung magpapakita ang doktor ng exemplary conduct ayon sa naging desisyon ng board sa revocation ng kanyang lisensya.
Ilang araw pagkatapos ng interview sa kanya ni Korina, pumutok ang balitang muli na namang nagtangkang magpakamatay si Hayden, bagamat wala pang opisyal na pahayag dito ang kanyang kampo.
Source: Eric Borromeo, PEP.ph
0 comments:
Post a Comment