Now that 2009 is coming to an end, ABS-CBN.com puts together the list of what these stars are thankful for.
MATT EVANS
Sobrang thankful ako kasi sunod-sunod ‘yung projects na dumating sa akin. Magkasunod ‘yung Underage at ‘yung Kambal sa Uma. Tapos magsisimula na ‘yung Tanging Yaman. May nagawa rin akong movie kasama si Bossing Vic Sotto, at may commercial pa ako.
KAYE ABAD
I’m so thankful that after so long, nakapagbida uli ako sa TV (Precious Hearts Romances presents Somewhere in my Heart). Ang tagal kong nawala at ang dami nang artista ngayon. Napakaswerte ko kasi nabigyan uli ako ng chance. I’m very happy.
ENCHONG DEE
Siyempre ang pag-graduate ko sa college. Hanggang ngayon feeling ko nasa cloud nine pa rin ako. ‘Yung diploma nakasabit sa bahay. Ito ‘yung kahit kailan hindi mawawala. I was able to get a good education and kahit wala na ako sa showbiz magagamit ko pa rin ‘yun. Sobrang proud sa akin ng parents ko at ng manager ko.
GERALD ANDERSON
I’m very thankful that Tayong Dalawa came along. The show made me a certified actor. Ang dami kong natutunan in terms of acting. Lumawak ‘yung experience ko because of Tayong Dalawa.
MELISSA RICKS
Nagpapasalamat ako na naibigay sa akin ‘yung Kambal sa Uma. Napakahirap na experience nun. Tipong tuwing dumadating ako sa taping e ninenerbiyos ako. Pero I believe kasi na kapag sobrang nahirapan ka at nagawa mo, mas magiging proud ka sa sarili mo. Kambal sa Uma made me a certified actress. Sobra ang pasasalamat ko sa lahat ng sumuporta sa akin.
TOM RODRIGUEZ
Being a part of Pinoy Big Brother Double Up is a momentous event in my life na hindi mapapalitan ng kahit ano. Inside the house I experienced the good and the bad, but all of them na-appreciate ko and I learned from them.
Source: Napoleon Quintos, ABS-CBN.com
0 comments:
Post a Comment