Wednesday, December 16, 2009

John Lloyd Cruz' camp clears out the issue regarding his deportation!


Bali-balita ngayon ang pagkakadeport di umano ng blockbuster actor na si John Lloyd Cruz mula sa bansang Japan. Ayon sa naturang isyu, nito di umanong Sabado, paglapag ng binata sa Narita International Airport lulan ng eroplanong PR432, ay agad siyang hinarang ng immigration gawa di umano ng pagiging questionable ng kanyang intensyon sa pagtungo sa naturang bansa; dahilan din di umano para agad rin siyang pauwiin sa bansang Pilipinas.



Upang bigyang linaw naman ang naturang bali-balita, through text message ay nagpadala ng official statement sa SNN ang kasalukuyang humahawak kay John Lloyd from Star Magic. Sa naturang statement na ito, inihayag nila ang tunay na pangyayari noon sa loob ng Narita International Airport. Ayon sa kanila, John Lloyd arrived Japan with a tourist visa at hand. Incidentally, mayroon di umanong concert doon sina Martin Nievera at Nikki Gil kaya naman lumabas na kahina-hinala para sa immigration officers ng naturang bansa ang naging pagbisita ng aktor.

Kaugnay naman ng agad na pagbalik ng bansa ng binata kinabukasan matapos ang pangyayari, binigyang diin ng Star Magic na it is actually based on John Lloyd's personal decision. Upon hearing daw kasi that he had to be detained overnight, John Lloyd opted to voluntarily return back home and follow the immigration officers' advice na bumalik na lamang after ng nabanggit na concert to avoid inconvenience.

Source: Heidi Anicete, ABS-CBN.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review