Wednesday, December 2, 2009

Kris Bernal ready to go sexy on The Last Prince!



Halos laging spoiled rich girl ang roles na nakukuha ni Kris Bernal; and while she has portrayed roles na medyo mature ng kaunti, Kris said hindi pa rin nawawala ang kanyang cute girl image. But that's about to change sa pagpasok ng bagong Kapuso soap na 'The Last Prince.'

Kris mentioned some of her projects: "Mayaman ako sa Dapat Ka Bang Mahalin; sa All My Life, mayaman ako; sa Dyesebel, mayaman ako. Sa Zaido, 'yung iba [naman], may kaya."



Kaya sa pagpasok ng The Last Prince kung saan kasama niya si Aljur Abrenica, bagong challenge ang haharapin ni Kris dahil she will portray na isang mahirap.

"Ito talaga, first time ko 'yung talagang mahirap na mahirap," Kris said. When asked kung gaano kahirap? She replied, “ito 'yung hirap na ultimo pagkain, wala."

And if that's not enough of a challenge for Kris - na sa totoong buhay ay may kaya rin ang pamilya - ito rin ang first time niya na magiging sexy ang role niya.

Kung gaano ka-sexy ang gagawin ni Kris, you can ask her yourself this coming December 8, when she logs on for her live chat with Aljur . Pero definitely, it's not something you've seen Kris do before not even in her movie Nandito Ako: Nagmamahal sa 'Yo.

"E sa lahat ng ginawa ko, puro teenager ako e. Puro bata. So ngayon, kailangan talaga makita ng mga tao na [hindi na ako teenager]." Natatawang pahayag ni Kris.

Inamin naman ni Kris na welcome sa kanya ang challenge na ito. "Kasi gusto ni Direk may bago, na hindi lang puro pa-cute, pa-tweetums. Gusto niya 'yung pinagnanasaan ako."

And as soon as The Last Prince airs, talaga namang ibang Kris Bernal ang mapapanood ng mga tao. "Matindi talaga. Kumbaga ang daming pagbabago, sa acting, sa kilos, sa pananamit—everything."

Pero if you really want a glimpse sa mga pagbabago, don't forget to log on to iGMA Live Chat on December 8, Tuesday, when she and Aljur answers the questions you've been wanting to ask! In fact, ready na si Kris to answer your questions.

"Di ba nga, mahilig naman ako mag-visit sa mga forums?" Kris reminds us. "Mahilig akong magbasa ng mga comments; kaya lang, wala akong time mag-post. Parang kulang 'yung oras ko, parang ang dami kong gustong sabihin. So at least, ito, talagang may time na makakapagchat kami."

Source: Jason John S. Lim, iGMA

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review