Friday, February 5, 2010

Rica Paras: Nagbago na ang buhay ko after PBB!

Bagaman at walang pagsisising nararamdaman si Rica Paras ng Iloilo na pu masok siya ng Pinoy Big Brother at natalo, overwhelmed siya sa mga ma­raming pangyayari na nagaganap sa kanyang buhay ngayon.

“Marami akong adjustments na kailangang gawin, iba na kasi ang buhay ko, malaki na ang ipinagbago. But above all of these, malaki ang nagawa ko para maging aware ang mga tao sa mga transgenders na katulad ko, na bahagi rin kami ng mundo, ng buhay. Sumali ako ng PBB to be able to tell my story.



“Sa totoo lang, boredom ang nagtulak sa akin para mag-join ng PBB. Sixteen years old pa lang ako, nagtatrabaho na ako. When I read an advertisement about the auditions na ibinibigay ng PBB, I went. Sabi ko may malaking chance ako dahil wala pang transgender na naging housemate. Maski si Rustom (Padilla, BB Gandanghari ngayon) ay lalaki pa nang makuha at doon na lang siya sa loob umamin na gay siya.

Twenty seven years old na si Rica pero bata pa siya, alam na niya na babae siya.

“Akala ko talaga babae ako. Sinasabi ng mga parents ko na lalaki ako pero iba ang nararamdaman ko. In my mind, sinabi ko na lalaki akong isang babae. Hang gang sa high school nakadamit lalaki ako.”


Isa sa pagbabagong damang-dama ni Rica nang lumalabas siya ng Bahay ni Kuya ay ni hindi na siya makasakay ng MRT.

“Pinagkakaguluhan na ako, lahat gustong magpa-picture. Hindi na rin ako maka para ng taksi. Hinahablot na ako ng tao, parang hindi sila aware na na sasaktan na ako. Hindi ako sanay sa ganitong buhay, nawalan na ako ng privacy. Pati tatay ko na once lang lumabas sa PBB, kilala na rin, ang dami nang nagpapa-picture. Minsan nga nagdi-deny na siya na tatay ko siya pero hindi sila naniniwala. I have to make a lot of adjustments,” sabi niyang natatawa.

Hindi alam ni Rica what’s in store for her. When I met her, nasa cast party siya ng Rubi. Asked ko kung makakasama ba siya sa cast, sabi niya hindi niya alam but she is hoping.

“Sabi nila puwede akong comedian dahil bubbly ang personality ko but I don’t know. Gusto ko sanang mag-host ng isang show, yung informative. Feeling ko kaya ko ito dahil mahilig akong mag-talk.

“I graduated BS Math in Ateneo. After graduation I found work as an IT consultant sa HP. I’ve been with the company for six years but I took a leave of ab sence when I joined PBB. I’m now testing the waters for showbiz. Academics ang background ko so I don’t know if I’ll be able to blend in showbiz. I really don’t know hanggang hindi natatapos ang season ng PBB at hindi ko pa malaman ang plans sa akin ng network,” pagtatapat niya.

Source: Veronica R. Samio, Pilipino Star Ngayon

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review