Monday, February 1, 2010

Judy Ann Santos says humility is the greatest lesson she learned in showbiz!

Sa mahigit dalawang dekada ni Judy Ann Santos sa showbiz, sinabi niyang ang pinakamahalagang aral na natutunan niya ay ang pagiging mapagpakumbaba. “Be humble, always be humble,” simula ni Judai nang makapanayam siya sa The Buzz kahapon, Enero 31. “Andami ko kasing nakasama na lumilipad (at) nawawala sa wisyo. Yung nawawala sa sarili kapag nakakaranas at nakakatikim ng tagumpay,” paliwanag ng Teleserye Queen. “Nakakalungkot kasi baka isipin ng ibang tao na, ‘Ay porket artista na ‘yan ganyan na ‘yan.’ Hindi po.” kuwento ng aktres, ayaw niyang mapunta sa wala ang kanyang pinaghirapan sa matagal na panahon. “Ako nagkataon lang na pinaghirapan ko talaga ito at ayoko siyang mawala ng ganon-ganon na lang kasi ang hirap din ng pingdaanan ko.”



Kabilang na sa mga pinagdaanan niyang ‘yon ay ang pag-alipusta sa kanya noong kanyang kabataan, na dati siyang tinawag na siopao o “mataba.” Sa kabila ng pagpuna sa kanya, mas pinili ni Judai na huwag na lang itong pansinsin. “Nag-enjoy lang talaga ako sa pagkabata, in-enjoy ko lang ‘yung mga gusto kong isuot, mapauso man o hindi, basta komportable. Hindi ko lang din pinansin ‘yung mga sinabi sa akin o siguro hindi lang siguro talaga ako ganon ‘yung sensitive. Hinayaan ko lang sila,” say pa niya.

Puna din sa kanya ng mga hosts na sina Boy Abunda at Kris Aquino, sinabi nilang mas open ngayon si Judai sa pakikipag-usap na anila’y kapansin-pansin nang maging sila na ng asawang si Ryan Agoncillo. “’Yun ‘yung isa na naituro sa akin ni Rye na kung ano ‘yung gusto mong sabihin, sabihin mo na wala ka ring naaapakang ibang tao, wala kang masasagasaan. Just be true to yourself and totoo nga po e di ba? ‘Pag totoo ka sa sarili mo, masarap sa pakiramdam kasi alam mong wala kang tinatago.”

Muli iginiit ni Judai na ang paghirang sa kanya bilang Teleserye Queen ay dahil na rin sa tulong ng mga taong nakasama niya sa industriya, isa na rito si Gladys Reyes na nakasama ni Judai sa teleseryeng Mara Clara na nag-marka sa kasaysayan ng telebisyon.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review