Several Pinoy stars were asked where they will spend their Holy Week and how they will spend it.
Here are their answerst:
Sunshine Dizon: "Dati nagbo-Boracay kami together with my friends, tapos nagbi-Visita Iglesia kami. Pero ngayon, dahil kapapanganak ko lang, dito lang ako sa hospital, 'papalakas, magpapagaling, at pahinga muna kasama ng pamilya ko."
Isinilang ni Sunshine noong April 18 ang una nilang anak ng kanyang mister na si Timothy Tan.
Mike Tan: "Normally sa bahay lang kami. But this year, I'm making an exception. My friends and I are going on a road trip/Visita Iglesia to the North—Vigan and La Union."
Kris Bernal: "Every Holy week sa bahay lang kami with my family, nag-oobserve din ng Church activities."
Yasmien Kurdi: "Maybe with my friends... Road trip to Bataan."
Ryza Cenon: "This Holy week sa bahay lang po ako, siguro magbi-Visita Iglesia at magdarasal. "
Bea Binene: "House lang po kami, pero lalabas po kaming pamilya para magsimba at magpasalamat sa maraming blessings na ibinibigay Niya sa akin at sa family ko."
Jhake Vargas: "Pag Holy Week, sa bahay lang po kami ng buong pamilya tapos nagbi-Visita Iglesia kami, at nagdarasal ako na sana gumaling na yung mother ko, at nagpapasalamat sa mga blessings na ibinibigay sa akin ni Lord."
Joyce Ching: "Sa bahay lang po nagdarasal kasama ng buong pamilya, tapos lumalabas kami para magsimba."
Paulo Avelino: "Baka this Holy Week, punta kami ni LJ at ng baby namin sa Baguio, sa family ko. Doon na rin kami magsisimba ng family ko at bakasyon na rin namin."
Chariz Solomon: "This year bale pupunta kami ni Nestor [her boyfriend] sa Australia para magbakasyon at bisitahin na rin ang kanyang ate. Siguro part nung bakasyon naming ang pagbi-Visita Iglesia sa iba't ibang simbahan sa Australia."
Aaron Villaflor: "Sa Tarlac po ako with my family, tapos nagsisimba kami at sabay-sabay na magdarasal. Ipagdarasal ko rin ang kaluluwa ni AJ [Perez] na kasama sa grupo naming Gigger Boys at isang mabuting kaibigan."
S
ylvia Sanchez: "Bale ngayong Semana Santa, papunta kaming buong pamilya sa Amerika for one month vacation. Bonding na rin ng buong pamilya and siyempre pupunta kami ng church para magdasal at magpasalamat."
Stephanie Henares: "Since karamihan ng tao ay mag-a-out of town, sa bahay lang kami ng family ko. It's hassle-free, relaxing, but we still get to spend quality time together."
German Moreno: "Noong Holy Monday nagsimba ako kasama ng iba pang miyembro ng Walang Tulugan sa Our Lady of Manaoag [in Pangasinan] para magpasalamat sa lahat lahat ng blessings na ibinibigay niya sa isang Kuya Germs. Pero pag dumarating kasi ang Semana Santa, 'asa bahay lang ako at lumalabas para magsimba."
Shalala: "This year Boracay kami with friends. Pero nung Sunday nagpabasa kami, natapos na nung Monday. Kahit nasa Bora ako, mag-i-station of the cross ako. Pahinga nang bonggang-bongga!"
Vangie Lalaban: "At home and spiritual bonding with my whole family."
Hiro Magalona: "Pag mahal na araw nasa bahay lang kaming buong pamilya, tapos nag-I-station of the cross kami. Bawal kumain ng karne, gulay at isda lang. Ito din po yung time na pagsisihan yung mga kasalan at pagkakamaling nagawa mo sa buhay at pagpapasalamat na rin sa mga magagandang bagay na ginawa sa akin at sa aking pamilya ng Diyos."
Benjamin de Guzman: "Sa house lang po kami tuwing Semana Santa ng family. Nagpupunta sa Church at nagdarasal, humihingi ng patawad sa mga kasalanang nagawa ko at nagpapasalamat sa dami ng blessings na binibigay Niya sa akin at sa aking pamilya. Pero baka this year, punta kami ng Nueva Ecija para bisitahin dun ang mga kamag- anak namin at pahinga na rin."
Zyrus Desamparado: "Baka ngayong Holy Week umuwi ako sa Cebu, sa family ko, tapos magbi-Visita Iglesia at bakasyon na rin, since ang tagal-tagal ko na ring hindi nakakauwi sa Cebu."
Ethel Rose Amistad: "Here in Canada, me and my family just go to the church to pray and give Him thanks for all the blessings."
Source: John Fontanilla, PEP.ph