Monday, June 7, 2010

Gretchen Barretto and Angelica Panganiban in a ‘catfight’ over Derek Ramsay?


Tila tumitindi ang iringan sa pagitan nina Angelica Panganiban at Gretchen Barretto na kinasasangkutan din ni Derek Ramsay, ang boyfriend ni Angelica at leading man naman ni Gretchen sa upcoming teleserye, Magkaribal.



Nagsimula umano ang hindi nila pagkakaunawaan nang may ginawang kontrobersyal na statement si Gretchen nang ma-interview sila ni Derek sa set ng upcoming primetime teleserye. Nang tanungin ang aktres sa nalalapit na pag-alis ni Derek papuntang South Africa kung saan makakasama si Angelica, sambit ni Gretchen, “Masa-sad ako. Wala ng kuwento (mula kay Derek). Hihintayin ko ‘yung mga kuwento niya. Pictures na lang. Hihintayin ko ‘yung mga pictures niya… solo picture, ha. Ikaw lang walang iba.” Nagresulta diumano ito sa kontrobersyal na shout-out ni Angelica ng gabing iyon kung saan nag-post siya ng pahayag na, “Taray! Single ka teh?”

Sa hiwalay na interview ay sinagot naman ng Rubi star ang kontrobersyal niyang pahayag sa Twitter account. “Nasa mga tao na ‘yon kung sino sa tingin nila ‘yung gusto kong paringgan,” aniya. Bilang sagot din sa binitawang pahayag ni Gretchen na solo pictures lang ni Derek ang gusto niyang makita, ang malamang pahayag ni Angelica ay, “Magdadala na lang ako ng pictures namin, pero walang solo, puro double.” Sinabi pa ni Angelica na hindi naman siya kasama sa teleserye nina Derek kung kaya’t hindi raw siya dapat idinadamay sa promotion.

Sabi naman ni Derek sa kanyang interview, wala silang problema ni Angelica. Kung tutuusin nga raw ay mas maiinit pa nga ang eksena ni Angelica sa Rubi kaysa sa mga eksena nila ni Gretchen sa Magkaribal. “Trabaho lang ito at pagkatapos ng trabaho hanggang dun lang ‘yon,” ani Derek.

Nang hingan naman ng reaksyon si Gretchen sa naging pasaring ni Angelica, sinabi niya ang kanyang pahayag ay biruan lamang nila ni Derek. Palabiro rin ang naging sagot ni Gretchen bilang reaksyon na wala raw solo picture si Derek pagbalik sa bakasyon dahil magkasama raw sila ni Angelica. “I’m so depressed. Very ouchy talaga,” sabi ng aktres. Sa puntong iyon ng interview ay ginamit ni Gretchen ang linya niya sa kanyang teleseryeng Magkaribal. “Ako si Victoria. Suot ko ang pag-ibig at hindi susuko at lalaban magpakailanman. You want war, I’ll give you war. I’ll be there in my red stilettos.”

1 comments:

jessy said...

post it in english pliz this is juicy news

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review