Friday, July 22, 2011

Claudine Barretto reveals about her marriage and men involved in her life on StarStudio!



 Isa na namang mainit na isyu ang hatid ng Star Studio magazine ngayong Agosto, lalo’t tampok dito ang dating Kapamilya star na si Claudine Barretto
Maraming nagbabagang rebelasyon ang nabunyag at mga usap-usapang nasagot sa halos siyam na oras na panayam ng Star Studio kay Claudine.



Naging mainit ang interbyu sa aktres nang tanungin siya ukol sa mga bulung-bulungan ng pagkaka-ugnay niya kayMartin Castro, na kaibigan ng kanyang asawa na siRaymart Santiago at bestfriend ng hot actor-model na siDerek Ramsay.
Hindi rin pinaligtas ng Star Studio ang intriga sa pagkaka-link niya sa dating aktor at kasalukuyang senador na si Jinggoy Estrada at kay Charlie “Atong” Ang, na kaibigan ng dating pangulong Joseph “Erap” Estrada na ama ni Jing­goy
Binasag na rin ni Claudine ang pananahimik niya at harapang sinagot ang mga kontrobersiya tungkol sa kumakalat na balitang hiwalayan nila ng kanyang asawa na si Raymart at ilan pang paninira ukol sa kanyang pagtaba, mga problemang pinansiyal, paggamit ng pinagbabawal na gamot, pagsusugal, at higit sa lahat ang unti-unting pagbagsak ng kanyang karera sa showbiz.
Inamin ng aktres na kasalukuyan pa rin siyang umaahon sa pagtalikod sa kanya ng mga pinagkakatiwalaang kaibigan na nagkalat ng mga bali-balita. Sa kabila naman nito, ikinuwento rin niya ang pagbabati nila ng kapatid na si Gretchen Barretto.
Abangan din sa August issue ng Star Studio ang limang palapag at magarbong bahay ng Happy Yipee Yehey! na si Pokwang.
Baron Geisler, Cita Astals, at Jiro Manio.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review