HABANG tumatagal, lalong lumalalim ang pagtitinginan nina Kim Chiu at Gerald Anderson na mga bida sa bagong serye ng ABS-CBN, ang Kung Tayo’y Magkakalayo, na magsisimula na bukas ng gabi.
Halos 24-7 ding magkasama ang dalawa ngayon dahil bukod sa serye, tinatapos din nila ang pelikulang Paano Na Kaya? ng Star Cinema na ipalalabas naman sa Jan. 27.
Sa interbyu sa The Buzz ni Gerald, nagbigay ito ng reaksyon kung saka-sakaling mawawala sa kanya si Kim.
“Hindi lang ako mababaliw, siguro mamatay ako,” sambit pa niya.
“Kung magkakalayo man kami, mahirap talaga. It’s very hard. Siyempre nangyayari talaga na minsan wala kaming work na mag-kasama. But if that happens, I’m sure it would be a big adjustment for both of us. Pero mas madalas na magkasama kami so we are just enjoying our moments together on and off cam,” dagdag pa niya.
Idinagdag din ng binata na sobrang masaya siya sa tumitinding closeness nila ngayon ni Kim.
“’Yung closeness namin ni Kim, sobrang level up na. It’s not like before. Close naman din kami dati pero ngayon, kahit ano sinasabi ko sa kanya and ganu’n din naman siya sa akin. Tinu-tulungan niya ako at tinutulungan ko din naman siya. Sa lahat ng bagay ito ha.
“So we’re very caring towards each other. When you reach that level of closeness kasi ibig sa-bihin talagang malaki ’yung tiwala n’yo sa isa’t isa and nandudu’n ’yung assurance na we’ll always be there for each other.”Footloose
Eh, ano ba ang bagong na-discover niya kay Kim?
“Well, actually hindi ’yung bago. Ang maganda kay Kim, kung ano siya dati hanggang ngayon, ganu’n pa rin siya. So hindi siya nagbago. ’Yun talaga ang napansin ko, how grounded she is,” kuwento pa niya.
Source: Leo Bukas, Journal.com.ph
0 comments:
Post a Comment