Sunday, January 17, 2010

Kris Aquino sinungaling!


MARAMI ang nagre-react, unfortunately, negatively, sa desisyon ni Kris Aquino na manahimik na lang sa brouhaha na kasalukuyang namamagitan sa kanila and a certain Mayen Austria. And all about diumano’y sa panunugod niya sa bahay ni Mayen, sa loob din ng village where Kris and her family live, dahil sa suspetsa niyang may relasyon ito at ang kanyang asawang si James Yap.

Nabuo diumano ang suspetsa sa isipan ni Kris nang makita niya ang text messsage na natanggap ni James from Mayen. At sa usapang narinig niya, again, diumano, between James at Mayen, nang tumawag ang huli kay James habang kumakain sila.



Eh, bale ba, based on a colum item written by a prestigious columnist, mukhang palaban itong si Mayen. Ayon sa item, ang pag-circulate ng (again) diumano’y panunugod ni Kris kay Mayen sa bahay nito mismo ay base sa padalang text mismo ni Mayen.

Kaya, para nga naman maging fair si Kris sa kanyang mga followers, both sa The Buzz at SNN (parehong showbiz balita on tv), she should speak her side of the story.

Otherwise, magiging unfair nga naman siya sa mga kapuwa niyang celebrities, na madalas maging “laman” ng usapan nila ni Boy (Abunda) sa SNN at nilang tatlo nina Ruffa sa The Buzz.

* * *

TattleThe same readers (ng Tattle) disagree to Kris Aquino’s statement that she is non-confrontational.

Remember na in The Buzz daw some years back, Kris denounced Joey Marquez, who was then still mayor of ParaƱaque City at ’di ni Kris (at that time) idini-deny na nakarelasyon niya dahil kailangan niyang maospital dahil nagmuntik-muntikan na siyang magkaroon ng STD?

And what about Hope Centeno, dating receptionist sa clinic ng Belo Medical Group, ’di ba ni-lambast niya ang dalaga dahil sa balitang nakarelasyon ito ni James?

This happened, of course, noong mga panahong wala pa si Baby James sa buhay nina Kris at James.

Obviously what these “reactionaries” expect na gawin ni Kris, via her talk shows SNN (Showbiz News Ngayon) at The Buzz, is not to be confrontational per se, kung hindi for her to come out with the truth, for right now, she seems the aggrieved party, so the public may know kung sino ang credible between her and Mayen.

And if I may say my piece, it’s high time that our talk show hosts on tv discuss issues din about sa kanila, when controversies of this kind happen para masabi ng mga listeners, especially ng mga naging “subjects” nila, pleasant o unpleasant man ang topics na napag-usapan tungkol sa mga ito, na fair sila, kung hindi man credible.

* * *

Lesson learned, again from my point of view, Ian F., sa insidenteng ito, don’t make sugod to anyone na suspetsa mo ay karelasyon ng asawa mo.
Instead, resolve whatever problem you have with your husband.

It may hurt you (bilang asawa) siguro to hear your husband admit na, yes, nambabae siya. But you can also ask him kung saan ka nagkulang. And make up for it.

I’m not in favor of women na “pumapatol” sa, wika nga, mga lalaking may asawa. At mga lalaking may asawa na pumapatol pa sa ibang babae.

Ganunpaman, naniniwala din ako na walang problemang hindi nare-resolve between wife and husband, as long as they still love each other and they allow Christ to remain at the center of their marriage always.

Source: Nel Alejandrino, Journal.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review