Friday, January 15, 2010

Coco Martin natakot kay Kris Aquino!


Nabalitaan naming natakot daw si Coco Martin nang malamang maka-katrabaho niya sa Kung Tayo’y Magkakalayo si Ms. Kris Aquino.


“Nu’ng una natakot ta-laga ako sa kanya kasi siyempre Ms. Kris Aquino ‘yan! Pero later on, nu’ng nakita ko na siya, siya pa ‘yung nagre-reach out sa lahat sa amin. Nakikisama talaga siya sa amin. Kapag dumadating siya sa set lahat kami tumatahimik pero kapag tumagal makikita mo na ‘yung kabaitan niya. Tulad nu’ng December lahat kami sa teleserye binigyan niya ng regalo. Karamihan sa amin ay iba ring ginagawa kaya madalas pagod kami sa set, pero kapag naging masaya na siya sa lahat, lahat kami nabubuhay bigla. Masaya siyang kasama,” kuwento ni Coco.

Powerhouse cast ang Kung Tayo’y Magkakalayo at isa sa main cast nito ang magaling ding aktor na si Albert Martinez.

“It’s always a pleasure to work with actors who take their work seriously. It creates a feeling in the set na everything is real so it’s not hard anymore to put up a scene dahil pagpasok mo magagaling na lahat ng kasama mo. All you need to do is absorb ‘yung pag-arte nila. Hindi na rin ganoon kahirap mag-emote kasi ang dami mo nang paghu-hugutan! Lahat sila magagaling,” say ni Albert.

Kamusta namang katrabaho si Ms. Kris?

“I like working with Kris Aquino.Nakasama ko na siya sa huling TV drama niya, ‘yung Patayin sa Sindak si Barbara. We have a very good working relationship. She’s a good friend. Were both professionals at comfortable ako sa kanya,” sagot ni Albert.

Kasama rin sa KTM, na mapapanood na sa Jan. 18, sina Kim Chiu, Gerald Anderson, Maxene Eiegenmann, Jacklyn Jose at Gina Pareño, sa direksiyon ni Erik Salud.


Source: Dominic Rea, http://journal.com.ph

1 comments:

Unknown said...

A latest role wants to play Ninoy Aquino a political leader senator congressman and martyr from Tarlac rival to Ferdinand Marcos and Maja Salvador will play Cory Aquino in a title role for Star Cinema next year in 2014 in early spring to be filmed in Tarlac Batangas Manila Bulacan and other places in the Philippines to become a biopic story soon and confirmed filming the project for the historical reenactment from historical to fictional .thanks for the information and send e-mail in your comments.from:Wayne.

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review