Saturday, January 16, 2010

Juday never nag-ambisyong maging reyna ng teleserye!



Aliw na aliw kami sa pagiging kikay ni Judy Ann Santos, na kahit umiinglis nang maganda at tama ay nakakapagpatawa pa rin patunay na talagang masa ang kinagisnang upbringing.

Bukod dito talaga na-mang nagmukhang beauty queen sa kinis at ganda ang nag-iisang reyna ng teleserye sa ABS-CBN. But the fact is, hindi raw siya mapalagay sa tawag na ito.

“Bagay ba sa akin?” nakangiting tanong ng young superstar nang humarap sa presscon ng teleserye ni-yang Habang May Buhay.



In fairness, matagal na naming kaibigan si Juday (si Papa Ryan Agoncillo ang nagbukas ng pinto para sa amin) at alam naming never siyang nag-ambis-yon na matawag na reyna dahil aniya nga, “Aanhin naman ang mga ganu’ng title kung wala ka namang trabaho o kung hindi naman tinatangkilik ng mga tao ang mga ginagawa mo.”

Pero totoong reyna si Juday at para sa amin ay nag-iisa siya sa liga niya. We beg to disagree na dapat ni-yang i-share ang nasabing titulo kay Claudine Barretto na para sa iba ay nagreyna rin.

Agree din kami sa naging pahayag ng manager ni Juday na si Tito Alfie Lorenzo na hindi nila kailangan ang isa’t isa para magkatulungan at this point of time.

Not for anything, kaya rin ni Claudine na magreyna (kung ‘yun ang nais niyang itawag sa kanya) kung gugustuhin niya, pero sa pagitan nila ni Juday, mas higit na marami na itong napatunayan bilang totoong mukha ng soap sa Dos.

Juday na Juday ang aura ng Habang May Buhay kahit halos three years ito bago maipapalabas,

Tiniyak ng produksyon na bago at totoong binago nila ang lahat para maging 2010 ang dating nito. Kung may mga nasayang na mga nakunang eksena at mga nagastos (imagine, naka-limang direktor na ito), hindi ‘yun pinanghihinaya-ngan ng Dos dahil madali nilang mababawi ito once maipalabas na.

Source: Ambet Nabus, People's Journal

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review