Wednesday, January 13, 2010

Rosanna Roces herself asked to be removed from ‘It’s Showtime’!


Pinatawan ng ng 20-day preventive suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang morning talent show ng ABS-CBN na It’s Showtime dahil sa naging pahayag ng isa sa mga guest judge na si Rosanna Roces laban sa mga guro nu’ng January 7.

Nagmula ang comment ni Rosanna pagkatapos ng mag-perform ng contestant mula sa Calamba, Laguna. Tinanong niya ang mga ito kung bakit Jose Rizal ang pangalan ng national hero gayong ang pangalan ng kanyang ama ay Francisco Mercado at si Teodora Alonzo naman ang kanyang ina at sinabing hindi nagsasabi ng totoo ang kanilang mga guro.



Nag-react ang pamunuan ng ABS-CBN sa biglaang pagpataw ng MTRCB ng suspension dahil wala itong due process. Hindi raw muna dininig ng MTRCB ang panig ng ABS-CBN bago ibinaba ang desisyon na suspendihin ang programang Showtime. At ‘di binigyang pansin ang pages-self regulate na aksyong ginawa niya sa kanilang guest judge. Ayon pa sa Executive Producer ng Showtime na si Mark Rejano, mismong si Rosanna na rin daw ang nagsabi na tanggalin na lang siya para hindi na maapektuhan ang show. Tinanggap naman ng mga namamahala sa show ang sinabi ni Osang. Kaya walang sama ng loob o galit si Osang sa pagkakaalis niya bilang isa sa mga guest judge ng show. Maluwag niyang tinanggap ang pagkawala niya sa Showtime at ang desisyong ito ay maluwag sa loob na tinanggap ni Rosanna at muli siyang humihingi ng paumanhin sa mga salitang hindi sinasadyang nabitawan niya.

Sa kabila nito, naging mabilis pa rin ang desisyon ng MTRCB na suspindihin ang programa. Kaya naman isa si Osang sa diskuntento sa naging desisyon ng MTRCB. Kagabi sa programang Showbiz News Ngayonay labis na nalungkot ang mga kabataang nakatakdang mag-perform sa programa na hino-host nina Anne Curtis at Vhong Navarro. Karamihan sa kanila ay nanggaling pa sa malalayong probinsya at matagal nang naghintay na mapasali sa Showtime. Sa text poll din ng SNN malaking numero ang nagpahayag ng kanilang pagkalungkot sa pagkawala ng programa.

Agad namang nagbigay ng official statement ang ABS-CBN Corporate Communications head na si Bong Osorio sa ABS-CBN.com. “Sa ngalan ng self-regulation, minabuti ng ABS-CBN na tanggalin si Rosanna Roces bilang hurado sa programang “Showtime” matapos nitong magbitaw ng pahayag laban sa mga guro sa live episode ng programa noong January 7. Sa kabila nito, nagpataw pa rin ng 20-day suspension ang MTRCB.

Ang preventive suspension ay isang aksyon para pigilan ang iba pang maaaring maging paglabag, kung mayroon mang naging paglabag, para na rin sa interes at kapakanan ng publiko. Kaya naman kinikiwestyon ng ABS-CBN ang ipinataw na preventive suspension sa programa gayong tinanggal na si Rosanna.

Ang Showtime ay isang programa na nagbibigay aliw sa maraming manonood. Nagpapamalas ito ng pagkamalikhain at talento ng mga Pilipino sa ibat ibang bahagi ng bansa. Nagpapasaya ito sa maraming tao at nagbibigay ng pagkakataong mabago ang buhay ng mga Kapamilya.”

Source: Julie Bonifacio, ABS-CBN.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review