Kahit hindi masyadong visible si Diether Ocampo ngayon sa telebisyon at pelikula, abala naman ito sa kanyang advocacy para sa mga bata. Kamakailan lamang, dumalo ito sa isang event kung saan isa sa mga beneficiary ang kanyang Kids Foundation at nakatanggap ng halos isandaang libong halaga ng lapis at iba pang school supplies. Ayon kay Diet malaking tulong ang maidudulot nito sa mga bata na naghahangad ng magandang edukasyon at matupad ang mga mumunting pangarap. "Importante talaga dahil, pag wala kang kaalaman, hindi maging madali para sa 'yo na maabot mo ang mga pangarap mo," pahayag ni Diet ng makausap ng ABS-CBN.com. Malayo daw ang mararating ng tulong na ito dahil dagdag pa niya magsisilbi itong, "Tools na magamit para magkaroon ng quality education, dahil sabi ko nga sa isang munting lapis, dyan nabubuo ang mga pangarap eh."