Saturday, November 7, 2009

Lorna Tolentino and Chin-chin Gutierrez: Good acting turned bad!


Nagsalita na sa SNN ang direktor ng teleseryeng Dahil May Isang Ikaw, na si Direk Jerry Lopez-Sineneng, patungkol sa balitang kumalat kaugnay ng sakitang naganap sa taping ng confrontation scene nina Tessa at Patricia, played by Lorna Tolentino and Chin-chin Gutierrez respectively. "We are truly sad and sorry na nagkasakitan" pambungad na linya ng naturang direktor. Aksidente di umano ang lahat, at naniniwala siyang walang sinuman ang may gusto na mangyari ang hindi magandang insidente.



Maikling paliwanag nga ni Direk Jerry dito, maaaring nadala lamang talaga ng naturang eksena ang mga involved na artista kaya nangyari ang hindi sinasadyang pagkakataon. Being good actresses that they actually are, maaaring masyado nilang na-internalize ang characters nila sa naturang tagpo kaya hindi na nagawang mapigilan pa ang tensyong bumalot sa kanila noon. He basically attests na walang nanadyang manakit on that particular scene. Ani nga niya, "Nothing was deliberate. Ito ay bugso lamang ng husay nila bilang mga artista."

Matapos ang makatotohanang tensyong idinulot di umano ng naturang pangyayari kina Lorna at Chin-chin, maayos naman na raw ang relasyon ng dalawa sa kasalukuyan. Sa katotohanan nga raw, nito lamang taping nila kahapon para sa naturang teleserye, ay nakita niyang nag-uusap na ang mga ito, even off cam. Para raw sa kanya, it is indeed a great show of professionalism on both parties. He adds that he is truly happy to see na hindi pinaabot ng mga ito sa personal level ang naturang issue.

Source: Heidi Anicete, abs-cbn.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review