Tuesday, November 10, 2009

Mommy Dionisia Pacquiao: ‘Marami kaming intriga dahil sa sobrang sikat’!

Isa sa mga naging highlights ng The Buzz kahapon ay nang sumalang si Mommy Dionisia Pacquiao sa Tough Ten portion at muli ay pinatunayan ng Pac Mom kung bakit marami ang sumusubaybay sa kanya.

Launching movie ni Mommy Dionisia ang Ang Tanging Pamilya with Joseph Estrada, AiAi delas Alas, Toni Gonzaga at Sam Milby. Sinabi niya na kung gagawa uli siya ng isa pang pelikula, nais niyang makasama si Piolo Pascual.





Naging humble din ang stage mom nang sabihin niyang tamang-tama lamang ang kanyang yaman at hindi totoong ipinagawa siya ni Manny Pacquiao ng bahay sa Forbes Park. Inamin naman niyang pinagawa siya ng bahay ni Manny sa bayan nila sa General Santos.

Samantala, itinanggi naman ni Mommy Dionisia ang mga pang-iintriga sa kanila ng kanyang manugang at asawa ni Manny na si Jinkee. Diumano’y hindi magkasundo ang dalawa pero pinabulaanan niya ito. “Sa tao marami kaming intriga talaga sa sobrang sikat. Ngayon lang na nagsikat na kami,” sabi ni Mommy Dionisia. Idinagdag din niya na hindi siya nababahala sa mga intriga at handa umano niya itong tanggapin. “Ok man lang. Hindi naman totoo ‘yung tsismis. Handa kong tanggapin hindi man totoo. No problem sa akin. Basta sikat, andaming mainggit,” paliwanag pa niya.

Hindi rin umano siya nababahala sa mga umiintriga kay Manny sa iba’t ibang babae. “Hayaan mo lang ang mga intriga kasi lalo na noong unang sumisikat ang anak ko kasi andyan ang kagalingan niya andaming humahanga sa kanya lalo na sa mga babae. Andaming mag-intrigang salita, hindi ginagawa sa anak ko ‘yan. Hindi totoo ang mga balita,” buwelta pa ng nanay ng Pambansang Kamao.

Sa usaping puso naman, marami ang naghiwayan nang aminin ni Mommy Dionisia na marami ang nanliligaw sa kanya subalit para sa kanya, ang pagmamahal niya ay ibinubuhos na lamang niya sa mga anak, mga apo at sa kanyang pagbo-ballroom dancing. “Andyan ang pagmamahal ko sa dancing. Ayoko na. Hindi ko na maulit ‘yung masaktan pa ang puso ko,” sabi ng 60-anyos na ina ni Pacman.

Sabi ni Mommy Dionisia, masaya siya sa pagiging sikat subalit hindi pa rin siya nagbabago. Pero mahirap din ang pagiging sikat dahil hindi siya makaalis na ng nang nag-iisa.

Source: Bernie Franco, abs-cbn.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review