Wednesday, November 4, 2009

Marian Rivera and Dingdong Dantes shopping in Singapore!



Nai-PEP Alert kamakailan ang pagpunta nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Singapore para sa promotion nila ng GMA Pinoy TV shows.

Pero hindi naman puro trabaho ang ginawa nina Yan at Dong habang nasa Singapore. Binigyan din nila ng panahon ang pamamasyal at kaunting pagsa-shopping sa isang mall doon.



Ito ang balita ng isang PEPster na nakakita at kumuha pa ng paparazzi photos nina Dingdong at Marian habang namamasyal sa loob ng Marina Square Center Mall sa Raffles Boulevard, noong October 30, bandang alas dos ng hapon.

Apat ang litratong ipinadala ng PEPster through email na nagpapakita sa diumano'y magkasintahan nang sina Marian at Dingdong sa loob ng mall. Sa unang litrato ay makikitang nakaakbay pa si Dingdong kay Marian habang naglalakad. Sa pangalawang litrato naman ay magka-holding hands sila. Ang dalawang nalalabing litrato ay nagpapakita sa kanilang dalawa habang nasa loob ng isang appliance store.

Hanggang ngayon ay wala pa ring inaamin ang dalawang sikat na Kapuso stars kung ano ang tunay na namamagitan sa kanilang dalawa.

Tanging mga pahaging at mga katagang masaya raw sila sa piling ng isa't isa ang parehong isinasagot nila sa tuwing matatanong kung magkasintahan na nga sila.

Kauuwi lang nina Marian at Dingdong kaninang umaga galing ng Malaysia (matapos mag-promote sa Singapore) para sa launching ng Dyesebel at Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang doon. Nabili kasi ng isang Malaysian TV station ang rights para ipalabas ang dalawang successful shows ito na pinagtambalan nila.

Source: Rommel R. Llanes, PEP.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review