Friday, July 9, 2010

Blind Item: Guwapong aktor yumaman dahil sa bading!

MATAGAL nang tsismis yung tungkol sa isang sikat na matinee idol sa isang malaking network ang diumano'y kept boy ng isang mayamang bading na involved din sa pagpoprodyus ng events. Mahusay daw maglihim si matinee idol sa kanyang mga escapades kaya hindi mo ito makikitaan ng kalaswaan.

Ito ngayon ang siste, balitang break na sila ni gay businessman pero hindi pa raw maka-get over si badingding until now. Dahil marami nang pera si matinee idol ay nag-decide itong itigil na ang affair nila. Nitong mga nakaraang araw, bago magpa-show si bading ay nagpadala raw ng bouquet of flowers si matinee idol sa kanyang ex – worth P8,000 ha, mind you. Tinext lang ni matinee idol sa kanyang florist ang message niya sa bading na, "I'm sorry. Hope we can still be the best of friends". Ang sweet, di ba?



Kasi nga naman, napakaguwapo talaga ni matinee idol. Si gay businessman naman ay well-connected din sa entertainment industry, in fact, balita namin ay napakaraming mhin ang gustong maikama siya dahil galante raw ito at super maalaga. Pag naging dyowa raw kasi niya ang isang aktor, talagang ginagastusan niya ang promo nito, isinasama niya sa kanyang kaharian. Meaning, bida palagi ang kanyang dyowang celebrity sa billboards and other promo campaigns ng kanyang kompanya.

"Marami na siyang mga naging dyowang artista. May pagka-shala (sosyal) kasi ang image ng kanyang mga shows. Hindi ka-cheapan kaya hayun ang mga male stars, kahit wholesome ang mga image, keber na mag-briefs sa mga shows niya. Kasi nga, type rin nilang dyowain si bading!" anang source ko.

Hay naku, napakasuwerteng mga nilalang. Kakainggit, di ba? Sana ako na lang si rich gay businessman para matikman ko rin ang ibang mga sosyal na putahe ng langit. Ha-hahaha!

Source: Bandera

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review