Friday, July 9, 2010

Mariel Rodriguez napikon kay Pokwang?


Dahil sa pagtatanggol kay Zanjoe Marudo...Mariel napikon kay Pokwang?

Sa ginanap na grand presscon ng pelikulang "Cinco" ay kapansin-pansin na hindi nagkibuan o nagbatian man lang ang ex-lovers na sina Zanjoe Marudo at Mariel Rodriguez gayung naghiwalay naman sila as friends.



Sa pagkakaalam namin ay okey sina Zanjoe at Mariel dahil dumalo pa nga ang TV host-actress sa nakaraang event ni Zanjoe na Zcup bagay na hindi na nga dapat, pero ang paliwanag ng dalaga noon ay, “Suporta lang for Zanjoe.”

Kaya nagtataka kami kung bakit biglang naging tagusan ang tingin ng mag-ex sa isa’t isa. Gimik ba ito para sa kanilang pelikula? Dahil walang one-on-one interview na naganap after the presscon ay tinext namin si Mariel kung galit ba sila ni Zanjoe, at ang mabilis niyang sagot ay, “Hindi ako, ewan ko sa kanya.”

Napaisip tuloy kami na baka hindi totoong okey sila nu’ng maghiwalay. Baka talagang malalim ang naging dahilan ng kanilang break-up kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagpapansinan.

Kapansin-pansin din ang naging reaction ni Mariel nu’ng biglang sumabat si Pokwang habang sinasagot niya ang isang tanong during the presscon. Marami ang nagsabi na mukhang napikon si Mariel nu’ng mag-react si Pokwang tungkol sa issue ng pagiging faithful ni Zanjoe kay Mariel.

Ang sabi kasi ni Pokwang habang sumasagot si Mariel, "At saka wala namang nanloko kay Mariel," na sinagot naman ni Mariel ng, "Mariel? Mariel na rin ang pangalan mo, ha? Natatandaan ko kasi ang tanong kay Mariel, e."

Ang eksenang ito ang lalong nagpataas ng tension sa nasabing presscon ng bagong movie ng Star Cinema.

Source: Bandera

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review