Thursday, July 15, 2010

"In My Life" to be shown on Cinema One!



HANDOG ng Cinema One, ang exclusive Philippine TV premiere ng isa sa mga pelikulang humataw sa awards at takilya noong nakaraang taon—ang In My Life, na pinagbibidahan nina Vilma Santos, John Lloyd Cruz at Luis Manzano. Mapapanood ito sa Blockbuster Sundays’ ng Cinema One sa July 18, 8 pm.




Sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan, ang In My Life ay ang natatanging pagbabalik-pelikula ni Vilma matapos ang pitong taong pahinga. Higit pa itong naging espesyal dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nakasama niya sina John Lloyd at anak na si Luis.


Dahil sa kakaibang istorya at mahusay na pagganap ng cast, napanalunan ng In My Life ang mga kategoryang Best Actress, Best Actor, Best Supporting Actor, Best Director at Best Picture mula sa iba’t ibang award-giving bodies. Nakatanggap ang In My Life ng limang awards mula sa 8th Gawad Tanglaw, pito sa 26th PMPC Star Awards for Movies, at tatlo sa 41st Guillermo Mendoza Memorial Awards.


Tuklasin kung paano nagawang turuan ng dalawang lalaki ang isang babae na mabuhay muli at mahalin ang buhay.


Ang Cinema One ay mapapanood sa SkyCable Gold, SkyCable Silver at iba pang quality cable operators nationwide. Para sa karagdagang impormasyon, tumutok sa Cinema One o mag-logon sa cinemaone.tv.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review