Tuesday, November 17, 2009

Angel Locsin doesn't go for love on the rebound after breakup with Luis Manzano!



Sarado na nga ba ang pinto ng puso ni Angel Locsin sa mga manliligaw?

Ito at ang iba pang mga bagay-bagay sa naunsiyaming relasyon nina Angel at Luis Manzano ang pinagtatanong ng press sa aktres sa launching ng Shop & Share, isang online celebrity auction na pinamumunuan nina Angel at Anne Curtis.



Hindi nakaligtas si Angel sa pangungulit ng press nang isagawa ang evening event kamakailan sa Sining Kamalig, 4th floor ng Gateway Mall, sa Araneta Center, Cubao.

Tiniyak ni Angel na hindi siya nagpapaligaw.

"Hindi pa ako ready, maraming lumalapit," sabi ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sinasabi ko naman sa kanila na hindi pa muna. Hindi ako nagmamadali. Pero hindi ko rin masasabi kung hanggang kailan ang sitwasyong ganito na loveless ako. Hindi natin alam. Ang pag-ibig, basta na lang kumakatok 'yan. Malay mo, mamayang gabi, o bukas, may bago na."

Para kay Angel, hindi ganoon kabilis maka-recover. At ayaw naman niya ng love on the rebound, dahil lang sa nag-split na nga sila ni Luis.

"Ini-enjoy ko yung ganito, walang ibang iniintindi. Gusto kong tumutok sa career ko. Before the year ends, baka mag-umpisa ako ng bagong teleserye. May movie pa with Aga Muhlach. Ibang klase... Aga Muhlach yun! Hindi ako makakatanggi, di ba? At sino naman ang aayaw? Happy ako dahil nagkausap kami, at sinabi niyang gusto niya akong makatrabaho."

Dagdag niya, "May bagong endorsements. Pero alam naman ninyo, habang hindi pa final 'yan, strictly confidential. Hintayin na lang natin."

SHOP & SHARE. Sa nabanggit na auction, sinabi ni Angel na ang pinakamahal yatang nabili ay nagkakahalaga ng $1,300. Isa itong Prada tote bag.

"Yung Hermes bag ko na inu-auction, hindi pa nabibili. May pending payments pa sa celebrity auction. Kokonting items pa lang ang naire-release para sa bentahan online.

"On-hand, so far, $15,000 ang napagbentahan na. Hindi po kami ang makabagong e-Bay. Ginagawa lang namin ito para maka-save ng pera dahil ang kikitain dito, para sa kawanggawa, basically sa mga nabiktima ng typhoons Ondoy and Pepeng."

Nakikipagtulungan sila sa Philippine National Red Cross para sa proyektong ito. Pati na ang e-Bay, na lumilitaw ang pagtulong nila sa mga kakabayan nating Pilipino.

"Ginagawa ko ito hindi dahil may political ambitions ako in the future. That's not true," paglilinaw ni Angel. "Wala sa usapan ang pulitika rito. Hindi ba't kung may magagawa ka naman, lalo kung artista ka, gagawin mo na? Kahit sino sa atin, makakagawa ng ganito, e.

"Kung may nangangailangan, dapat na tulungan. Maganda nga ito dahil nagkakaisa ang mga artista para sa aim na makatulong, yung mai-share nila kung ano na ang nagamit nila, o yung hindi na rin nila masyadong kailangan. Kung may mga artistang hindi pa magawang makiisa, pasaan ba't magkakaroon din sila ng pagkakataon para mag-join na sa amin.

"Nagkataon din lang kasi na sa ngayon, wala kaming masyadong commitments ni Anne, kaya tinatrabaho namin ito, lalo na kung may free time naman kami. Marami naman kasing tumutulong," pagwawakas ni Angel.

Source: Archie de Calma, PEP.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review