Wednesday, November 4, 2009

Priscilla Meirelles opens up about John Estrada!


Very pleasant kausap ang dating Ms. Earth na si Priscilla Meirelles.

ABS-CBN.com got the chance to talk to her during Star Magic’s press conference for its birthday celebrators for the month of September and October.

Yes, bahagi na ng Star Magic si Meirelles, and she plans to really pursue a career in hosting kapag natapos na ang Tagalog lessons niya. Meirelles told ABS-CBN.com that her boyfriend John Estrada is supportive of her career and she doesn’t get in the way of whatever plans Star Magic has for her.



She just celebrated her 26th birthday with Estrada, at kuwento pa ng beauty queen, they just spent it quietly together daw.

Mukhang adjusted na nga si Meirelles dito sa bansa, ito ang agad naming napansin sa kanya. Hindi siya naiilang makipag-usap, she’s really charming and approachable.

“I’ve been visiting the Philippines even before I won Miss Earth so, medyo familiar na po ako sa place. I love the people, they are really nice, mababait. Masasarap din ang mga pagkain,” sabi pa ni Meirelles, who has come to love the Pinoy culture dahil malapit din daw ito sa Brazilian culture na kanyang kinalakihan.

Ano naman ang mga pagkaing natutunan na niyang kainin? “Oh, I love sinigang. The fish, I love it. And lechon. Wow, ang sarap!”

Tatlong taon na rin pala ang itinagal ng relasyon nina Estrada at Meirelles.

Aminado ang beauty queen, noong mga unang buwan nila ni Estrada ay hindi naging madali para sa kanila. May mga sandaling gusto na nilang bumitaw sa isa’t isa.

Nag-break nga raw sila pero hindi naman nagtagal at nagkabalikan din ang dalawa. Dahil sa usaping ito, mas naging interesadong magtanong at makinig sa chikahan ang ibang members ng entertainment press na naroon.

Muli ay tinanong naming ang beauty queen kung anong qualities ang hindi niya gusto kay Estrada bilang boyfriend. Seloso ba si Estrada? “Hindi siya seloso but he can be possessive.”

Pero ang maganda lang daw kay Estrada, hindi naman siya ang tipong maraming restrictions kay Meirelles. Dagdag pa ng beauty queen, naiintindihan naman daw ni Estrada ang kulturang kinalakihan ni Meirelles sa Brazil, at halimbawa kung may hindi raw gusto ang aktor sa suot na damit ni Meirelles, sinasabi naman daw niya agad ito sa girlfriend.

Sinusunod naman daw ni Meirelles ang payo ni Estrada kung sa tingin niya’y tama ang aktor.

Pero kung sa palagay ni Estrada kumportable si Meirelles at bagay naman sa beauty queen ang suot niya, hindi na raw niya ito pinapakialaman. Romatiko bang tipo si Estrada?

“Well, he can be…” sabi pa ng beauty queen sabay na ipinakita ang engagement ring na ibinigay ni Estrada sa kanya.

Nasabi na ni Meirelles ang ilang bagay na hindi niya gusto sa kanyang mahal. To be fair, tinanong din namin ang beauty queen kung ano ang mga endearing qualities ni Estrada that made her fall in love with him.

Maalaga ba ang aktor? “Yes. I guess, that’s the trait of every Filipino. ‘Yong pagiging thoughtful, warm. Back in Brazil, I had a relationship before John pero hindi ‘yung ganito na we’d check on each other. Magkaiba naman kasi ng culture. Doon, I know we love each other, we care for each other but that’s it. No more checking like, ‘Have you eaten?’ or ‘Where are you?’ That’s why foreigners would really go for Pinoys as partners because they are really malambing, warm.”

Source: Chan-chan Torres, ABS-CBN.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review