Tuesday, November 3, 2009

Cesar Montano runs for Bohol governor in 2010!



Nakapanayam namin si Cesar Montano sa invitational screening ng This Is It sa Shang Cineplex ng Shangri-La EDSA mall noong October 29. Kasama niya ang kanyang misis na si Sunshine Cruz.

Wala na nga raw atrasan sa pagtakbo niya for governor of Bohol. Marami na raw siyang na-invest na puhunan at panahon kaya pinagdarasal niya na maging maganda ang resulta sa darating na eleksyon.



Handa na rin daw ang kanyang misis na si Sunshine sa papasukin niyang kampanya. Noong huling election kasi ay sobrang na-stress si Sunshine dahil sa biglaang pagtakbo ni Buboy para sa Senado. Ngayon ay prepared na raw ito physically, emotionally at financially.

"Tinanong ko naman si Shine kung handa na ba siya kasi hindi biru-biro itong pinasok ko. Sabi naman niya na kahit saan pa ako pumunta, sasama siya dahil mahal niya ako," ngiti ni Buboy.

FIRM POLITICAL DECISION. Natatawa lang si Buboy sa balitang paurong-sulong daw siya sa kanyang pagtakbo sa 2010.

"Laban tayo kung laban," diin niya. "Maraming kababayan natin doon ang natutuwa na ako'y tatakbo. Susuportahan ako ng mga kapwa ko BoholeƱo. Kaya walang atrasan ito...

"Isang direction lang ako and definitely, pasulong tayo," ngiti pa niya.

Malakas nga ang loob ni Buboy sa kanyang hangad na maglingkod sa bayan, lalo na sa mga kababayan niya sa Bohol. Kung napanghihinaan daw siya ng loob ay sana noong huling eleksyon ay umatras na siya sa pagtakbo bilang senatorial candidate.

"It only made me a stronger and better man. Siyempre, nandoon ang nalungkot ako at nadismaya nang konti, pero hindi naman nagtagal iyon. Life goes on kumbaga. Hindi tayo dapat negative sa buhay.

"Ngayon nga, heto na naman tayo. Nakatayo at lumalaban pa rin. Nasa tabi ko naman ang mga kaibigan ko, misis ko, at ang mga anak namin. Sila ang inspirasyon ko to still move on and pursue my dream of serving the people."

SHOWBIZ CAREER ON HOLD. Handa ngang isakripisyo ni Buboy ang kanyang showbiz career para sa kanyang political ambition. Marami na nga raw tinanggihan na trabaho si Buboy dahil sa kanyang pagtakbo sa 2010.

"The Singing Bee lang talaga ang tinanggap ko kasi nakaplano na lahat for 2010. May mga offers pero ayokong maging unfair sa kanila. Kasi mawawala rin ako kapag nag-start na ang campaign period.

"Kahit movies nga, hindi ako maka-oo. Mahirap na dahil sa ruling ng Comelec. Ayokong maipit sa kompromiso at obligasyon sa ibang bagay. Concentrated tayo sa pagtakbo natin sa Bohol. Siguro after na ng election period, puwede na akong magtuluy-tuloy sa pagtanggap ng offers kung willing pa rin silang hintayin ako."

Pati nga ang kanyang mga dapat na gagawin sa Hollywood ay on hold din.

"Like what I said, marami akong naisakripisyo dahil sa hangarin nating maglingkod. Wala naman akong pinagsisisihan. Choice ko ito at alam ko na tama ang naging desisyon ko," pagtatapos ni Cesar Montano.

Source:Ruel J. Mendoza, PEP.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review