Friday, November 6, 2009

Bong Revilla's Panday and Manny Pacquiao's Wapakman in danger of not showing in MMFF 2009!


Kahapon, November 4, ay inihayag na ni MMDA Chairman Bayani Fernando at iba pang miyembro ng Metro Manila Film Festival of the Philippines executive committee ang pitong pelikulang kumpirmadong nakapasok sa 35th MMFF. Ginanap ang announcement sa MMDA office sa Guadalupe, Makati.

Pero sa seven movies na ito, dalawa ang nanganganib na hindi mapasama sa festival, depende sa magiging decision ng Commission on Elections (Comelec), dahil ang mga bida ng naturang pelikula ay mga kumpirmadong tatakbo sa 2010 elections. Ipinagbabawal kasi ng Comelec ang paglabas sa pelikula o regular TV show ang mga artista o pulitiko pagkatapos nilang mag-file ng candidacy



Sa announcement ni Chairman Fernando, ang mga pelikulang siguradong maglalaban-laban sa MMFF this year ay ang mga sumusunod:

Nobody, Nobody... But Juan starring Dolphy, Eugene Domingo, Gloria Romero, Eddie Garcia, and Willie Revillame;

Mano Po 6: My Mother starring Sharon Cuneta, Heart Evangelista, Dennis Trillo, Zsa Zsa Padilla, and Christopher de Leon;

Ang Darling Kong Aswang starring Vic Sotto and Cristine Reyes;

Shake, Rattle and Roll 11 starring Mark Anthony Fernandez, Zoren Legaspi, Manilyn Reynes, Ruffa Gutierrez, Maja Salvador, Jennica Garcia, and Rayver Cruz; and

I Love You Goodbye starring Gabby Concepcion, Angelica Panganiban, Derek Ramsay, and Kim Chiu.

Kasama rin sa listahan ang Panday na pinagbibidahan ni Senator Bong Revilla at Wapakman ni boxing champ Manny Pacquiao. Pero dahil kumpirmado na ang pagtakbong muli ni Bong bilang senador at si Manny naman bilang congressman sa Sarangani Province—nanganganib na hindi maipalabas ang mga pelikula nila sa MMFF.

Pero susuportahan daw ng MMFF executive committee ang Panday at Wapakman through a petition para mapahintulutang maipalabas ang mga ito. Naniniwala si Chairman Fernando na ang dalawang pelikulang ito ay posibleng kumita nang malaki sa takilya at makakatulong para maabot nila ang inaasam na earnings na kalahating bilyon sa taong ito.

MMFF PLEA TO COMELEC. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Chairman Bayani pagkatapos ng announcement niya. Ayon sa kanya, desisyon na ng Comelec kung ia-allow pa rin na maipalabas in time for MMFF ang Panday at Wapakman.

"Actually, 'yan ay nasa ano na ng Comelec. Pinag-aaralan na nila 'yan. Meron nang mga petisyon at sa ilang mga bagay tungkol sa election, at sa conflict na 'yan ay kasalukuyang nasa pagsusuri ngayon ng Comelec," saad niya.

Personally, mas gusgustuhin daw niyang makasama ang dalawang pelikula na official naman talagang kasama sa list of entries sa taong ito. Kasama rin sana ang Nieves ni Marian Rivera na sa huling sandali ay hindi na itinuloy.

"Kung ako, walang problema 'yan, e, okey lang yun. At welcome, mas gusto naming mapasama yun dahil 'yan nga, 'yang mga piniling pelikula na 'yan noon pa ay ayon sa pagsusuri ng selection committee. 'Yan ay makakatulong para mapalaki ang kita ng ating festival.

"At sa pamamagitan nga ng conference na ito ay inihahayag namin sa publiko, sa Comelec, yung ating pakiusap na 'yan. Sa ating mga opisyal ng Comelec, ipinaparating ko ang aking panawagan na huwag nilang ituring na ito ay kampanya, ang pagsali sa MMFF na ito, upang sa gayon ay huwag masayang ang pelikulang ito na sa tingin namin ay higit pang makakapagdulot ng higit pang biyaya para sa industriya ng Pilipinas."

BATTING FOR BIGGER REVENUE. Ano ang maaasahan ng mga manonood sa 35th MMFF?

"Maaasahan ninyo na ang MMFF ay mas kikita ng mas malaki kesa sa nakaraang taon. Last year, kulang ng konti sa inaasahan naming earnings. Pero sa ngayon, inaasahan naming makukuha na namin ang threshold ngayon, ang five-hundred million na revenue ng Festival," aniya.

Nakausap na rin daw niya ang producers ng Panday, ang Imus Productions at GMA Films, na nandoon din sa MMDA office kahapon. Pero wala raw silang magawa kundi maghintay lang talaga sa desisyon Comelec.

"Palagay ko, e, darating din 'yan sa takdang oras sapagkat ang election ay malayo-layo pa. At sa kaduluhan ng buwan or bago magka-duluhan ng buwan ay meron nang decision ang ating Comelec. At wala na rin problema dahil ang pelikula ay gawa na," saad ni Chairman Fernando.

Source:Rose Garcia, PEP.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review