Sunday, November 29, 2009

Diether Ocampo surprised with Claudine Barretto's network transfer!


Kahit hindi masyadong visible si Diether Ocampo ngayon sa telebisyon at pelikula, abala naman ito sa kanyang advocacy para sa mga bata. Kamakailan lamang, dumalo ito sa isang event kung saan isa sa mga beneficiary ang kanyang Kids Foundation at nakatanggap ng halos isandaang libong halaga ng lapis at iba pang school supplies. Ayon kay Diet malaking tulong ang maidudulot nito sa mga bata na naghahangad ng magandang edukasyon at matupad ang mga mumunting pangarap. "Importante talaga dahil, pag wala kang kaalaman, hindi maging madali para sa 'yo na maabot mo ang mga pangarap mo," pahayag ni Diet ng makausap ng ABS-CBN.com. Malayo daw ang mararating ng tulong na ito dahil dagdag pa niya magsisilbi itong, "Tools na magamit para magkaroon ng quality education, dahil sabi ko nga sa isang munting lapis, dyan nabubuo ang mga pangarap eh."



Nagulat naman ang binata nang mabanggit naming sa kanya na lumipat na nga sa ibang istasyon ang kasamahan niya sa Star Magic na si Claudine Barreto. "Bes, hindi ko ata alam yun ah." Wala daw siyang kaalam-alam sa naging desisyon ng kaibigan. Nang hingan namin ng komento, nahirapang magbigay si Diet ng reaksiyon dahil clueless daw talaga siya. "Ah, mahirap magbigay ng komento kung hindi ko alam ang detalye eh. Mas maganda kung makausap ko muna siya kasi siyempre si Claudine ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan sa industriya natin. Kung ano man yung personal na desisyon niya, ako naman, very supportive naman ako sa mga kaibigan ko eh. Alam ko na hindi naman sila gagawa ng desisyon na walang magandang dahilan. I'm pretty sure na pinag-isipan nilang mabuti. Sana makausap ko na siya. Pero kung ano man yung naging pasya nila masaya ako para sa kanila. Wala naming magbabago sa pagkakaibigan naming dalawa eh."

Pero hindi pa rin mawala sa mukha ng binata ang pagkabigla. "Nagulat ako eh kasi matagal ko siyang kasama sa ABS eh. Kaya parang, ngayon nakikita siguro natin na medyo maraming pagbabago sa industriya natin. Maraming magaganda, may mga bagay na hindi pa rin tayo handang tanggapin pero dadating ang panahon, lahat naman'yan ay may magagandang kalalabasan."

Source:Arniel Serato,ABS-CBN.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review