Malaman ang text message na ipinadala ni Jinkee Pacquaio sa The Buzz host na si Kris Aquino hinggil sa patuloy na intrigang may namamagitan umano sa boxing champ na si Manny Pacquiao at actress na si Krista Ranillo. Kinumusta kasi ni Kris si Jinkee dahil sa laban ni Manny kay Miguel Cotto noong Linggo (November 15) at sumagot umano sa text si Jinkee kay Kris at sinabing mag-uusap umano sila ni Manny pagkatapos ng kanyang laban. May iba pa umanong karugtong ang text message ni Jinkee na may kinalaman sa isyu subalit hindi na ito isiniwalat pa ni Kris. “I think is too private to share,” pahayag ni Kris.
Samantala, sinabi rin ni Ruffa Gutierrez na sinabi ng kanyang nanay na si Annabelle Rama na nagpunta ng Las Vegas, Nevada para panoorin ang laban ni Pacquaio na nakita rin nila si Krista sa laban ni Manny. Maraming lumalabas kasi na balitang madalas ring makita sina Manny at Krista na laging magkasama. Isang balita ang naisulat noong September 2009 na magkasama umanong pumunta ng Hong Kong sina Manny at Krista. Nagpaliwanag umano si Krista na nagkataon lamang na nagkasabay sila ni Manny.
Isa ring showbiz columnist ang nag-ulat na noong namimigay ng relief goods si Manny sa mga biktima ng bagyong Ondoy ay kadikit niya si Krista kasama pa ang tatay nitong si Matt Ranillo III. May mga naisulat din na kahit noong training ni Manny ay naroon din umano si Krista. Kinumpirma rin naman ng manager ni Krista na si Arnold Vegafria na pumunta rin si Krista ng Las Vegas upang suportahan si Manny at dahil naging malapit na magkaibigan nga ang dalawa. Kasama rin umano ni Krista ang kanyang pamilya.
Noong nakaraang linggo ay idiniin ni Mommy Dionisia na walang katotohanan umano ang pagkaka-link ni Manny sa mga artistang babae. Ang isyung may relasyon sina Manny at Krista ay lalong umingay nang ipaskil ng aktres na si Gina Alajar sa kanyang Facebook account na “If I am Jinky Pacquiao, I will not give up Manny. Krista Ranillo is not all worth it!!!” Matatandaan kasi noon dating nai-link din si Krista sa ex-husband ni Gina na si Michael de Mesa.
Source: Bernie Franco, abs-cbn.com
0 comments:
Post a Comment