Ngayong araw (November 3) ay ipinagdiriwang ng Star for All Seasons na si Governor Vilma Santos-Recto ang kanyang ika-56 na kaarawan; at sa kabila ng espesyal na araw niyang ito'y namataan ng SNN si Ate Vi na abalang ipinagpapatuloy ang pagganap ng kanyang tungkulin bilang natatanging gobernador ng Batangas.
Kaiba sa ilang mga nauna niyang pagdiriwang, pinili ngayon ni Ate Vi na panatilihing simple ang naturang okasyon. Isang maikling misa lamang ang ginanap kanina sa governor's office ng Batangas para gunitain ang kanyang naturang espesyal na araw ngayong taon; at matapos nito, sinasabi niyang isang maliit na salu-salo lamang daw with family ang kanyang inaasahan after work para tuluyang mairaos ang naturang selebrasyon.
Paliwanag ni Ate Vi kaugnay ng naturang desisyon, tila hindi raw niya magawang gawing kasing bongga ng mga nauna na ang kaarawan niya ngayon gawa na rin ng matinding hinagpis dulot ng krisis na kinakaharap ngayon ng bansa, na sinabayan pa ng pagpanaw kamakailan lamang ng kanyang malapit na kaibiga't paboritong manunulat at publisista na si Gil Villasana. Sa katotohanan daw, nang malaman niyang naghahanda pala ang ilan sa kanyang mga kaibigan at katrabaho para sa magarbong selebrasyon ng naturang okasyo'y agad siyang nagsuggest na huwag na lamang itong ituloy. Maikling paliwanag niya ukol dito, "Last Monday, nalaman ko na they were preparing something for my birthday; so after ng flag ceremony, I asked them na baka pwedeng huwag na... I mean huwag na yung bonggang-bonggang ganyan... Now is not the time."
Kaakibat naman ng piniling simpleng selebrasyong ito, isang simpleng birthday wish din naman ang binahagi ni Ate Vi sa SNN, "Always prayers and guidance for my family, to keep it in tact because they are my inspiration. And prayers din para sa aking administrasyon, dahil sa totoo lang hindi madali (ang trabaho namin)."
Source: Heidi Anicete, ABS-CBN.com
0 comments:
Post a Comment