Thursday, February 11, 2010

Angel lumipat sa manager ni Aga!


Matagal-tagal ding hindi nakita si Angel Locsin ng entertainment press kaya naman sa presscon kahapon ng bago niyang endorsement na Mosbeau, inulan siya ng tanong tungkol sa latest update sa buhay niya partikular na ang talk of the town na nagpalit na siya ng manager at umalis na sa poder ni Becky Aguila.



Kinumpirma naman ng young actress na si Manay Ethel Ramos na ang kanyang bagong manager at aniya, nag-usap sila nang maayos ni| Tita Becky at napagkasunduang maghiwalay na.
Bago inamin ni Angel ang tungkol sa pagkakaroon ng bagong manager, tumungo muna siya sa table ni Manay Ethel at nagpaalam kung pwede na ba niyang opisyal na ihayag ang pagbabago.
Pumayag naman si Manay Ethel at kinumpirma na rin niya na siya na ang bagong manager ni Angel.
Para naman sa young actress, wala raw naging problema sa paghihiwalay nila ni Tita Becky at naging maayos naman daw ang kanilang pag-uusap.
Samantala, natanong din kay Angel ang tungkol kay Luis Manzano. Aniya, ganu’n pa rin ang sitwasyon nila at nagpupunta pa rin ito sa bahay nila. Sa ngayon, magkaibigan pa rin daw sila although hindi niya inaalis ang posibilidad ng reconciliation.
Sa career, uumpisahan na pala ni Angel ang movie with Aga Muhlach, na ngayon ay kasama na niya sa management ni Manay Ethel.
Sa March 15 daw ang scheduled first shooting day pero wala pang title.
Bago naghiwalay sina Tita Becky at Angel, naisara ng una ang Mosbeau endorsement at ilan pang commitments na ayon sa young actress ay tatapusin naman niya.

Source: Vinia Vivar, Journal.com.ph

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review