Friday, February 12, 2010

Nora, nagparetoke sa Japan!


NAGKITA na ang mag-inang Nora Aunor at Ian de Leon sa Narita Airport noong Miyerkules.

Tuwang-tuwa si Nora nang makita nito ang anak na sumalubong sa kanyang pagdating sa international airport ng Japan.


Isinulat namin kahapon na nagpunta si Nora sa Tokyo dahil siya ang endorser ng isang Japan-based eye clinic. Nalaman namin mula kay Aster Amoyo na hindi lang ang eye clinic ang endorsement ni Nora dahil ito rin ang endorser ng isang cosmetic enhancement clinic na magkakaroon ng branch sa Pilipinas.




Ilang araw na mananatili si Nora sa Tokyo dahil maliban sa pakikipag-meeting sa Japanese exe cutives ng beauty and eye clinic, sasailalim din siya sa cosmetic enhancement procedure.


Ayon kay Aster, ipinag laban niya si Nora para maging image model at endorser ng Japan-based company. Si Aster ang tumutulong ngayon kay Nora at buo ang kanyang paniniwala na dapat bigyan ng pagkakataon ang aktres na maibangon ang career nito.


Mula sa Japan, babalik si Nora sa Amerika dahil naghahanda siya para sa concert niya sa Canada. Tatapusin muna ni Nora ang lahat ng kompromiso sa Amerika bago siya umuwi sa Pilipinas sa April 2010.

Source: Jojo Gabinete, Abante

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review