Saturday, February 6, 2010

TV actress, imbiyerna sa bastos na young actor!

PIKON na pikon ang isang TV actress sa pinapakitang hindi magandang ugali ng isang young actor na kasama sa kanilang TV show. Hindi raw professional ang young actor na ito kaya hindi nagtataka ang TV actress na kahit matagal na ito sa showbiz dahil nanalo ito sa isang reality show, hindi pa rin sumisikat.




Nalokah nga ang TV actress dahil ilang beses na raw itong na-late sa set ng TV show nila, at hindi man lang daw nagsu-sorry sa mga taong naghintay sa kanya.


“Mayabang siya at feeling siya ang parating hinihintay. Hindi naman siya ang bida kundi si TV actress. Buti na lang at nagtitimpi ang TV actress dahil may mas malaking problema itong hinaharap. Pero once na mabawasan ang problema niya, sisitahin niya ang young actor sa bastos na ugali nito,” chika ng aming source.


Hindi rin daw nagustuhan ng TV actress ang pandidedma sa kanya ng young actor nang magkita sila sa isang event.


“Parang gusto yata ng young actor na siya ang lalapitan at batiin ni TV actress. Pinabayaan nga siya ni TV actress. Ang nakakainis, hindi talaga gumawa ng effort ang mayabang na iyon na lapitan si TV actress.


“Nagbibilang lang ng mga kapalpakan ng young actor si TV actress at kapag lumagpas na ito sa limit niya, makakatikim na siya ng pangaral dito.


“Noong nagsisimula nga si TV actress, parati itong aware sa paligid niya. Lahat ng kailangan niyang batiin at pakitaan ng respeto ay ginagawa niya. At never siyang na-late sa mga trabaho niya. Kaya sasabunin niya nang husto ang young actor kapag hinarap niya ito,” sabi pa ng aming source.

Source:Ruel Mendoza, Abante

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review