Monday, February 1, 2010

Ex-BF ni Marian Rivera tumango ng tinanong kung nag live ba sila dati!


Si Ervic Vijandre (top ramp model at commercial model ng McDonald at Smart, 2006), ang ex-boyfriend ni Marian Rivera,ay tinanong ng mga reportes pagkatapos ng isang Fashion Show na ginanap kamakailan lamang sa birthday celebration ni Marc Cubales with a fashion show held at The Lounge ni Hayden Kho.

First love mo ba si Marian ?
“Hindi. First love ko ‘yung naging girlfriend ko nu’ng 12 years old ako. Naging girlfriend ko si Marian nu’ng 15 years old ako na tumagal ng 8 years. Siya ‘yung serious relationship ko.”



Ano ang mabigat na dahilan ng paghihiwalay nila ni Marian?
“Wala lang, petty quarrel na madalas namang nangyayari sa amin pero naayos naman agad namin noon. That time, maugong na ‘yung balita na sila na raw ni Dingdong Dantes pero hindi ako naniniwala. Pinanghawakan ko ‘yung sinabi niya na trabaho lang ‘yung sa kanila ni Dindong. Malaki kasi ang tiwala ko sa kanya dahil 8 years ‘yung relationship namin. On and off ‘yung relationship namin. ‘Yung huli lang, du’n na natapos, nakipaghiwalay na siya sa akin. ‘Yung rumors tungkol sa kanila ni Dingdong, ‘yun na pala ‘yon.”

Naniwala kang totoo ‘yung bali-balita noon na may namumuong romansa kina Marian at Dingdong?
“Hindi naman kasi ako ‘yung tao na agad na naniniwala sa tsismis, kaya binabale-wala ko lang ‘yung naririnig ko tungkol sa kanilang dalawa. Kung ano ‘yung naglalabasan tungkol sa kanila ‘yun na pala ‘yung totoo!”

Tinanong din si Ervic kung totoo ‘yung bali-balitang nag-live-in sila ni Marian nu’ng time na sila pa. Tango lang ang naging tugon niya sa tanong.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review