Tuesday, February 9, 2010

Angelica Panganiban truly feels blessed this year!

Kaninang umaga’y ginanap na ang story conference ng upcoming movie ng aktres na si Angelica Panganiban entitled Here Comes the Bride. At nang mamataan nga siya ng SNN matapos nito’y ‘di nito magawang itago ang todo-todong excitement nito kaugnay ng paparating na pelikula kung saan sasabak siya sa comedy kasama ang ilan sa mga batikang aktor at aktres ng naturang larangan. Sabi nga ng dalaga, “Nakaka-excite na nakaka-challenge kasi lahat kasama ko dito sanay nang magpatawa.”



Kaugnay rin nito, sadyang masaya raw ang dalaga sa nagiging magandang takbo ng career niya sa showbiz sa kasalukuyan. Maliban kasi sa nabanggit na proyekto’y malapit na ring mapanood ng publiko ang pinagbibidahan niyang remake ng Mexicanovelang Rubi sa ABS-CBN. Para raw sa kanya, ito na marahil ang pinaka blessed year niya gawa na rin ng pagsusunod-sunod ng magagandang projects para sa kanya. Paggigiit nga niya kaugnay nito, “Oo naman [masaya ako] sunud-sunod [ang projects ko] e. Happy kasi nasa tamang pacing lahat. Binigyan lang ako ni Lord ng bagong pagkakataon. Ayan, I’m back.”

Source: Heidi Anicete,ABS-CBN.com

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review