Thursday, June 3, 2010

Chika ni Lloydie: Bea, Shaina may matinding away



INAMIN ni John Lloyd Cruz na may alam siya sa nababalitang away ng kanyang rumored girlfriend na si Shaina Magdayao at ng kanyang ka-loveteam na si Bea Alonzo. Dating best friends sina Shaina at Bea pero kalat na kalat na nga ang chika na may matinding gap sa pagitan nila.



Ayon kay Lloydie, hindi raw siya ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa, sa isang showbiz event, hiningan ng reaction ang aktor hinggil sa nasabing issue. “Alam mo, medyo malalim kasi ‘yang issue na ‘yan. But isa lang ang masasabi ko, alam ng lahat ng parties involved, alam ni Bea, alam ni Shaina, alam ng ilang fans nila, kung anong totoong story. At wala akong kinalaman doon. Ang alam ko, nagkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan na alam naman nating nangyayari talaga sa mga magkakaibigan. Pero I assure you na wala akong kinalaman du’n,” chika ni Lloydie.

Tungkol naman sa tunay na relasyon nila ni Shaina, matipid pa ring mag-comment si John Lloyd, ingat na ingat talaga siya sa pagsasalita. Pero obvious na obvious namang may itinatago siya sa entertainment press.

“Actually, ang mas nakakasama ng loob kapag nanggagaling du’n sa mga halos kaibigan mo ang mga kuwento. Hindi naman ako nape-pressure tungkol sa mga bagay na ‘yan. In fact, we really understand ‘yung laging pagtatanong, ‘yung halos pilitin na kami magsalita, kasi alam namin kung anong pinasok naming trabaho. Talagang it deals with ‘yung mga ganyan, kahit na tinatawag natin na invasion of privacy, naiintindihan namin so wala kaming problema du’n,” magulong pahayag ni Lloydie.

Pero si Shaina na nga ba ang nagpapasaya sa mundo niya ngayon? “Aside from my family and friends, you know, ang number one source ng magic in my life is the inspiration that I have in my heart and in my life. Sabi ko nga, kapag ili-list down ko ang priorities ko, of course nasa top ‘yung family ko, ‘yung career ko. Ano ba ang mag-fuel up para may makapag-deliver ka? Of course it’s the inspiration. Kung saan nanggagaling? Iba-iba, from the family, the artistry, the passion, and all the beautiful ladies,” nangingiting say pa ng aktor.

“Basta, ayoko na rin munang magsalita like totally. Ang gusto ko when the right time comes talagang makakapagbigay kami once and for all ng straight and complete and direct to the point answer, so give us time. You’ll know when I’m ready. Timing lang talaga lahat e. Timing is everything,” pahabol pa ni Lloydie.

Source: Bandera

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review