Tuesday, June 8, 2010

John Lloyd di pa mapakali kina Ruffa nt Shaina?


KAHIT kaunti lang ay nagkakaroon ng negatibong epekto kay John Lloyd Cruz ang kuwentong pinagsasabay niya sina Ruffa Gutierrez at Shaina Magdayao. Namamangka sa dalawang ilog ang guwapo at magaling na aktor, dahil minsan ay si Ruffa ang kanyang kasama, kung minsan naman ay si Shaina.



Ayon sa ilang nakakausap namin ay hindi maganda ‘yun para kay JLC. Para kasing masyadong bilib na bilib sa kanyang sarili ang aktor,. Parang ayos lang sa kanya na nalalaman ng dalawang aktres na magkasabay pala sila sa kanyang puso.

Tama naman ‘yung mga ganu’ng obserbasyon, kailangang diretsuhin na ni JLC ang isyu, sino ba talaga ang karelasyon niya sa kasalukuyan—si Ruffa ba o si Shaina? Ang palaging sinasabi ni John Lloyd sa mga interbyu ay may panahon daw para du’n, nanghihingi siya ng paumanhin sa mga manunulat, sana raw ay mabigyan pa siya ng pagkakataong makapaglatag ng kung ano talaga ang nangyayari sa kanyang lovelife.

Pero hanggang maaga pa sana ay asikasuhin na ni John Lloyd ang bagay na ito, hindi na kasi nakagaganda sa kanyang imahe ang mga komentong naririnig namin, sana’y mabigyan na niya ng pagkakataon ang kanyang sarili na sabihin kung sino talaga ang pinakamalapit sa kanyang puso ngayon. Mahalay kasing tingnan na parang halinhinan ang ginagawa niyang pakikipagkita kina Ruffa at Shaina, meron pa silang relasyon ng aktres-TV host, pero nasa eksena na rin si Shaina.

Sabik na ang marami na marinig mula sa kanya kung sino talaga ang karelasyon niya sa dalawa, kung tapos na si Ruffa ay wala namang problema, pero hindi magandang tingnan na pinagsasabay niya ang dalawa.

‘Yun ang kailangang ayusin ngayon ni Lloydie bago pa umasim nang umasim ang kanyang imahe sa publiko.

Source: Bandera

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review