Wednesday, June 23, 2010

Greta maugat ang paa!


Pinagtawanan ng mga nakakita...

Greta maugat ang paa

PAGKATAPOS naming manood ng Paparazzi nu’ng Linggo nang hapon ay nakatulog na kami. Linggo na lang kasi ang tanging araw na naiiwanan sa amin ngayon, dahil mula Lunes hanggang Biyernes ang Juicy, itine-tape naman muna namin ngayon ang Paparazzi tuwing Sabado.



Pero kahit hindi namin natututukan ang ibang talk shows ay may mga nagpaparating sa amin ng kuwento, meron silang reaksiyon, tulad na lang kay Gretchen Barretto na ininterbyu ni Kris Aquino.

Sabi ng isang nagkuwento sa amin, “Talagang masyadong materialistic si Gretchen, ipinagmamalaki niya ang shoes niya, she even requested the director to focus on her shoes.

“Ang nakakatawa lang, her feet are not beautiful, maugat siya, kaya hindi totoong walang imperfections si Gretchen! Her feet pa lang will disagree na sa kanya,” komento ng aming kausap.

Natawa kami, kuwento pa lang ‘yun ng paa at sapatos, hanggang ngayon pala ay masyado pa ring nakatutok ang utak ni Gretchen sa kanyang mga sapatos.

Sapatos kasi ang kanyang hilig, lahat ng mamahaling sapatos ay meron siya, naiisip tuloy namin na habang lumalaki siguro ang magandang aktres na ito ay kapos siya sa sapatos.

Ganu’n kasi ‘yun, kung saan tayo kapos at pinagdamutan noong ating kabataan ay du’n tayo bumabawi, at sumosobra pa nga sa kailangan lang ang ginagawa nating pagbawi.

Gusto na lang naming isipin na ‘yun na kasi si Gretchen, puwedeng napakamateryoso ng imahe niya ngayon sa ating mga kababayan, pero ‘yun na siya talaga.

“Naiinis lang kasi kami sa kanya dahil pati ba naman ang sapatos niya, ipapo-focus pa niya sa mga camera? She’s too flaunty!” dagdag pa ng aming kausap.

Ha! Ha! Ha! Ha! Apektado!

Source: Bandera

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review