Thursday, June 24, 2010

Hindi fake ang boobs ko! – Bangs Garcia


MARAMI ang nakapansin na ang laki-laki na ng boobs ng sexy actress na si Bangs Garcia. Kaya ang chika, baka raw nagpaturok daw ng dibdib si Bangs para mas maging delicious siya sa mga kalalakihan at katomboyan.

Kahit kami ay nagulat nang makita namin si Bangs recently, hindi naman kasi ganu’n kalaki ang boobs niya nu’ng nagsisimula pa lang siya sa showbiz, pero ngayon, as in halos magmura na ito sa sobrang laki! Kaya nga mas lalo pang dumami ang mga guys na naglalaway kay Bangs dahil nga sa kanyang naglalakihang dibdib.



Sa press launch ng Yes Special: 100 Most Beautiful Stars kung saan isa si Bangs sa mga featured celebrities, sinabi niyang totoong lumaki raw ang kanyang dibdib, pero hindi raw ‘yan dahil sa siyensiya. Unang-una raw kasi ay takot siya sa mga ganu’ng proseso.

“Hindi po! Push up lang yan. Or siguro dahil I’m getting older, mas nagma-mature na ang body ko. Promise, wala akong ipinagawang kahit ano, from head to foot. Kaya nga ang tawag sa akin dati ng FHM, ang bansag nila sa akin ay natural wonders. Kasi wala talaga akong ipinagawa kahit anong part sa body ko. Malaki po ang paniniwala ko sa push up bra! Ha-hahaha!

“Gusto mong i-check? Ha-hahaha! Yung iba kasi talagang chine-check nila, hinahawakan talaga nila para lang mapatunayan na hindi sila fake! Actually, pati nga pilik-mata ko pinagkakamalan nilang peke!” chika sa amin ng aktres na ang sexy-sexy nga ngayon.

Tinanong din namin siya kung may na-experience na ba siyang pambabastos nang dahil sa kanyang kaseksihan? “Pinakamatindi ko lang na naranasan is kurot at kaunting sugat, pero so far, siguro napoprotektahan ko naman nang mabuti ang sarili ko kapag lumalabas. Hindi pa naman ako nahihipuan.

“Pero one time, on stage, muntikan na akong mahalikan sa lips nu’ng guy na kinuha ko from the audience. ‘Yun siguro yung parang muntik na akong mabastos. Kasi inurong niya yung mukha niya, buti na lang nakailag ako. Grabe ‘yun, na-shock ako nu’ng time na yun,” chika pa ni Bangs Garcia.

Ang ganda-ganda rin ni Bangs ngayon, hindi kaya may lalaki nang nagpapasaya sa buhay niya? “Hindi ako in love, sana…wish ko lang! Pero hindi, e. Kasi mahirap, e. Gusto ko munang mag-focus sa career ko. Feeling ko kawawa lang yung guy kung paaasahin ko. Kasi for example, kung may date kami tapos biglang may work, e, di maeetsapwera lang siya, kawawa naman. Kaya huwag na lang muna.

“Mahirap talagang mag-budget ng time. Kailangan kung may lovelife ka, marunong kang mag-balance para sa kanya. E, hindi pa ako marunong, so huwag na lang muna. Pero nag-e-entertain ako ng suitors,” say pa ng sexy actress.

May mga artista bang pumoporma ngayon sa kanya? “Meron, nagte-text, tumatawag, mga nagpaparamdam. Pero huwag na lang tayong mag-name drop, mahirap na, baka hindi umamin. Baka-deny lang ako! Ha-hahaha!” tawa nang tawa pang kuwento ng sexy actress.

Anyway, habang naghihintay ng next project si Bangs sa ABS-CBN, her last series pa was Magkano Ang Iyong Dangal, binigyan muna siya ng chance ng Maalaala Mo Kaya para magbida sa isa pang Father’s day special ng drama anthology ni Charo Santos-Concio kung saan makakasama niya ang Drama King na si Christopher de Leon. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin makapaniwala si Bangs na nakasama niya sa MMK si Boyet.

“Bihira lang makatrabaho ng isang tulad ko ang isang legendary actor like Christopher de Leon, kumbaga, parang once in a lifetime lang ito kaya talagang kinarir ko na. Sabi ko nga, kahit paano, may maipagmamalaki na ako ngayon bilang aktres,” very proud na pahayag ng aktres.

Paano mo ibabangon ang sarili mo pagkatapos ng matinding dagok sa buhay mo? At paano mo gagawing makabuluhan ang buhay kung bilang na ang mga araw mo sa mundong ito? ‘Yan ang tema ng MMK episode sa Sabado.

Gaganap si Bangs bilang anak ni Boyet na talaga raw nakipaglaban ng dramahan sa episode na ito ng MMK. Ito ay sa direksiyon ni Rechie del Carmen sa panulat ni Joan Habana.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review