Ibinahagi ni Charice kahapon sa The Buzz na apat na araw lamang siyang mananatili sa Pilipinas bago muling lumipad papuntang US dahil sa kanyang mga commitment. Sobrang busy kasi ang schedule ngayon ni Charice at kinabibilangan ito ng pagtatrabaho kasama ang ilan sa mga pinakasikat ng international singers.
Kakalabas lamang kamakailan ng Christmas album ng American Idol champion na si David Archuleta at featured sa nasabing album si Charice. Sabi niya mayroon silang duet ni David, ang kantang “Have Yourself a Merry Little Christmas.” Pagdating naman ng November ay isang all-star Christmas album ang iri-release internationally kung saan ay may featured song si Charice. Kabilang sa album na ito ang mga kanta din nina Carrie Underwood at Miley Cyrus.
Nalulungkot man, sinabi ni Charice na ang pagbabalik niya sa bansa ay by next year na dahil magiging busy din siya sa promotion ng pelikulang Alvin and the Chipmunks kung saan na-feature siya sa pelikula bilang voice talent. At sa kanyang pagbabalik-Pinas, ang singing sensation ay ipo-promote ang kanyang album kung saan may duet siya with Sean Kingston na kilala sa hit song na “Beautiful Girl.”
Source
Tuesday, October 13, 2009
Charice collaborates with famous international singers
Tuesday, October 13, 2009
Charles
No comments
0 comments:
Post a Comment