Wednesday, October 21, 2009

Sexy actress Gwen Garci returns to Viva management!




Tampok si Gwen Garci sa indie film Ang Beerhouse, isa sa competing entries sa Digital Lokal category ng kasalukuyang Cinemanila International Film Festival. Sa premiere nitong pelikula na ginanap sa Market! Market! Cinema 6 noong Linggo, October 18, excited si Gwen sa kanyang role bilang isang probinsyanang naghahangad na bumuti ang buhay at yumaman balang-araw.


"Yung character, nagpunta sa Maynila, nagbakasakaling makapagtrabaho bilang waitress. Nabaon siya sa utang. Kaya ang kinabagsakan niya, naging beerhouse dancer na lang," paglalarawan ni Gwen sa kanyang role nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinasabi ni Gwen na hindi gaanong daring ang ginawa niya sa pelikulang iprinodyus ni Joel Torre para sa Pabrika Pictures at Pelipula group ng direktor na si Jon Red.

"Konti lang ang pa-sexy ko rito kung ikukumpara sa ibang nagawa ko sa nakaraan," sabi ng dating miyembro ng Viva Hot Babes. "Wala ka namang makikita kung hindi sayaw lang. Ang tutok ng manonood dito ay sa istorya talaga. May konting silip-silip lang sa gilid-gilid na ganyan. Mas malala pa yung nagawa ko saButas (Loophole). Kaya itong Ang Beerhouse, R-13 lang, kaya puwedeng mapanood ito ng mga teenager."

BACK TO VIVA. Biglang-bigla, nalaman na lang namin na nagbabalik-Viva si Gwen; ang kumpanyang ito ang muling nagma-manage sa kanya. Ano na ang nangyari sa deal nila ni Manny Valera?

"Wala naman kaming naging problema ni Direk Manny," paglilinaw ni Gwen."Basta, hindi ko rin alam kung paano ipaliliwanag. Pumirma ako sa kanya for five years. Pero nagpapasalamat ako, nang magpaalam ako, pinayagan niya ako. Kahit paano, ni-release niya ako nang maayos. Hiningi ko yung release.

"Hindi ko naman sinabi sa kanyang babalik ako sa Viva, e. Ang sinabi ko lang, ang feeling ko, nawawala na ako. Sa buong showbiz, nararamdaman kong nawawala ako, at yun ang sinabi ko sa kanya. Which is true naman.

"Nagbabakasakali ako ngayon sa Viva. Bumalik ako sa kanila dahil baka nga mayroong trabaho for regular exposures, na siyang kailangan ko. Noong nasa Viva ako, may regular TV shows ako, e."

LEARNING MANDARIN. Kagagaling lang ni Gwen sa Shenzhen, China, kung saan nag-aral siya ng wikang Mandarin.

"Nag-aral ako for business. Para kung kukuha ng stocks sa China, mas mura kung marunong akong makipag-deal in Chinese. Pero, mahirap. Three months lang ako doon and I feel marami pa akong dapat pag-aralan. Para matuto ka ng basic language talaga, kailangang two to three years ka sa China to really learn Mandarin. E, hindi naman ako puwedeng doon tumira.

"May kumukuha nga sa akin sa Hong Kong for some acting projects. E, hindi pa ako marunong mag-Chinese. Kung marunong ako at may oportunities, gagawin ko 'yan. Magbabakasakali ako. Kasi sa Hong Kong, kokonti lang ang mga artista doon. Piling-pili. Dito sa atin, ang dami-dami.

"Nagkakainteres din akong makilala pa ang roots ko sa China. Gusto kong matuto pa about their life and culture. Yung phonetics, ang hirap. Sa isang word, ang daming paraan ng pagbigkas, pero iba-iba ang ibig sabihin. Magkamali ka lang, iba na ang meaning.

"Five tones mayroon ang isang letter. Iba-ibang tones, iba-ibang meaning. Mayroong pataas, gitna, pababa. Kung mababa, for example, ang boses mo, iba ang pagkakaintindi nila sa 'yo. Masyadong complicated.

"It has something to do with our family business. Yung brother ko kasi, marunong siyang mag-Chinese. Chinese businessman ang dad ko, and we own a spa, a small department store in Baguio," banggit ni Gwen.

0 comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha - Premium Blogger Themes | ewa network review