Perfect choice si Gerald Anderson para gumanap sa isang mapaghamong role sa isang espesyal na episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) sa ABS-CBN. Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagampanan ni Gerald ang role ng isang may Tourette Syndrome (TS) sa una niyang paglabas sa longest and most awarded drama anthology on television. “Nung sinabi pa lang sa akin, na-excite na ako. Tapos nung binasa ko ‘yung script lalo ako’ng kinabahan. Pero alam mo sana lang magawa ko ito ng maayos at sana magustuhan ni Jerome (Concepcion, letter sender sa MMK na may (TS)ang gagawin ko’ng pagganap sa kanya at makapagbigay inspirasyon lalo na sa mga taong may TS,” bungad ni Gerald.
Personal na na-meet ni Gerald si Jerome sa isinagawang briefing ng staff ng “Maalaala Mo Kaya” na ginanap sa Bagoong Republic last Friday, Oktubre 16. Present doon ang direktor ng episode na si Ruel Bayani, scriptwriters ng MMK, si Jerome at ang kanyang ina na si Criselda Concepcion. Nandun din ang President ng Philippine Tourette Syndrome Association (PTSA) president na si Rowena Victorino at ang vice-president na si Marlon Barnuevo. Member ng bandang 3rd Avenue si Marlon na meron ding TS.
Para sa kaalaman ng iba, ang TS ay isang hereditary na sakit na may kombinasyon ng ADHD (attention-deficit hyperactivity disorder, obsessive-compulsiveness, at neuro-behavorial complex. Sa murang edad ay nagmamanifest agad ito sa pamamagitan ng tics (involuntary sounds or movements such as eye-poking, coughing, head-banging etc.) na mas lalong nagiging kapansin-pansin kung ang pasyente ay under stress. Ngunit kadalasan ay namimisinterpret lang ito na simpleng kakulitan ng bata kaya hindi agad nada-diagnose na TS.
“Nu’ng una, alam mo ‘yung…parang nakakakawa. Pero kapag nakita mo, kapag nakausap mo siya(Jerome), confident siya. Kumbaga, hindi naging sagabal ‘yung sakit niya sa kanya. Ganun si Jerome,” kwento ni Gerald. Ano ang na-feel niya nung nalaman niya na siya ang napili para gumanap sa katauhan ni Jerome sa MMK? “Iba,” diin ni Gerald. “Sobrang nakakataba pa rin ng puso. Nakaka-inspire dahil yun nga sa dinami-dami (ng artista) ako ang pinili. Ipagdadasal ko na lang na magawa ko ito ng mabuti.”
Very challenging kay Gerald ang character na gagampanan niya kaya talagang pag-aaralan daw niya ito ng maigi. “Sa internet papanoorin ko lang tapos sasabihin nila kung ano ang mga symptoms at kung bakit nangyayari ito. And yun nga, minsan nangyayari ‘yan umpisa pa lang sa bata. Pagdating mo ng 18 years oldlumalala.” Sa initial na pagkikita pa lang ba nila ni Jerome naisip na ba niya kung paano niya aatakihin ang role? “Sampol? Hahaha! Naku, huwag muna sampol. Biglaan naman,” nakangiting sabi ni Gerald. “Basta alam ko ibang klaseng experience ito. Sobrang malaking tulong talaga sa akin na nakita ko siya ngayon ng personal, kung paano siyia gumagalaw, kung paano siya nagsasalita, kung paano siya nag-iisip, ‘yung mga sinasabi niya.”
Kahit na noon lang niya nakilala si Jerome at ang ina nito ay naramdaman daw ni Gerald ang labis na paghihirap na pinagdadaanan ng kanilang pamilya. “Hindi biro ang pinagdadaanan nila dahil yung isa pang kapatid ni Jerome may TS din. Pero nakikita ko na very supportive ang mommy niya sa kanya. Tanggap (ni Mommy Criselda) yung kahinaan ng anak niya at kahit ano’ng mangyari nandu’n pa rin siya.”
Sa huli ay nagbigay na lang ng mensahe si Gerald sa mga avid viewers ng MMK. “Sana sa episode na ‘yun ma-inspire ko ang mga tao kahit yung walang TS na wag bibitiw sa kanilang mga pangarap kahit ano pang hadlang ang dumating sa kanilang buhay,” tapos ni Gerald.
Source
Wednesday, October 21, 2009
Gerald Anderson to portray a teenager with Tourette Syndrome in Maalaala Mo Kaya!
Wednesday, October 21, 2009
Charles
No comments
0 comments:
Post a Comment